Irong Irong Bay positibo sa red tide

Nanawagan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa mga mangingisda at mga residente sa lugar na malapit sa Irong-Irong Bay, Western Samar, na iwasan munang manghuli, magbenta, bumili at kumain ng mga shellfish particular ang alamang.

Sa huling Shellfish Bulletin na ipinalabas kahapon May 31, at base na rin sa huling resulta ng isinagawang laboratory test ng BFAR at ng Local Government Units (LGU’s), lumalabas na ang shellfish na nakuha sa Irong-Irong Bay, Western Samar ay positibo sa red tide.

Ang mga isda, squids, shrimps, at crabs naman daw na mahuhuli sa lugar ay pupuwede naman kainin, kailangan lamang na ito ay sariwa at nahugasan ng husto, at ang mga lamang loob kagaya ng hasang, bituka ay kailangang tanggalin bago iluto.

Nananatili naman umano na ligtas ang lahat ng coastal water sa anumang uri ng toxin at red tide, maliban lamang sa lugar na nabanggit.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/irong-irong-bay-positibo-sa-red-tide/