Kandidatong may Puso sa RH Law dapat na Iboto

image

Nanawagan ang reproductive Health advocates at ibat-ibang sectors sa mga tumatakbong kandidato sa bansa na seguruhing mabibigyan ng kaukulang pansin ang implementasyon ng Reproductive Health Law.

Sa isinagawang multisectoral dialog at press conference nitong nakaraang April 22, na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City, ang Purple Ribbon  for RH Movement, koalisyon ng grupo at individual na nagsusulong sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law, ay nanawagan sa mga Kandidato sa nasyonal at local man, na iprioritize sa public education ang ukol sa sexual at reproductive health and rights, at ang  delivery of reproductive health and services, kasama ang modern family planning method.

“ An overwhelming majority of Filipinos  say family planning is important  and that the government should fund family planning services. Candidates should heed the people voice,” ayon kay  Executive Director Romeo Dongeto, ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD).

Sa nasabing press conference, paulit- ulit na binabanggit ng tagapagsalita na huwag iboboto ang mga kandidatong kumokontra sa implementasyon ng RH Law, Partikular na tinukoy ng moderator ang dalawang  tumatakbo sa pagka senador, at isa rin sa tumatakbo sa pagka Mayor sa Sorsogon at maging ang isa sa Senadora  na kung tatakbo pa rin umano ito sa pagka senador hindi na  rin dapat na iboto.

Kasama sa mga guest na sinasabing RH Champions sina, Leni Robredo (represented  by Dra. Gaile Robredo), Rissa Honteveros (represented by Rafaela David) at Waden Bello  (represented by Princess Nemenzo). Dumalo rin sa nasabing press  conference ang representante ng ibat-ibang sector na kinabibilangan ng Person With Disabilities, Partido Mangagawa, workers, Youth, LGBT, Persons living with HIV, Community health workers at urban poor. Si Mina tenorio ng Likhaan Center for Women’s Health naman ang nagsilbing Moderator sa nasabing pagtitipon.

image

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/kandidatong-may-puso-sa-rh-law-dapat-na-iboto/