Kauna-unahang SSS Stakeholders Forum isinagawa sa Bacoor, Cavite

image

Umabot sa 130 na panauhin mula sa hanay ng mga employer (ibabang larawan) ang dumalo sa Stakeholders Forum ng Social Security System (SSS) Bacoor Branch na isinagawa sa Island Cove  Cavite nitong nakaraang buwan ng  Mayo 23, 2016. Nagkaroon ng oportunidad ang mga stakeholder na sakop ng SSS branches sa Bacoor, Dasmarinas, Rosario at Carmona na direktang ihatid ang kanilang mga tanong ukol sa social security at makakuha ng balita ukol sa mga programa at serbisyo ng ahensiya. Kasama sa highlights ng forum ang SSS updates ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. (itaas na larawan, ikalawa mula sa kaliwa) at presentation hingil sa Self-Service Facilities ni SSS Member Relations Department Manager Fernando F. Nicolas (itaas na larawan, kanan), na siyang nangasiwa rin sa Open Forum.

 

Pinangunahan ni de Quiros ang panel ng mga opisyal ng SSS na nagbigay-linaw sa mga isyu at tumugon sa mga katanungan mula sa mga dumalo ukol sa pagbabayad ng salary loan sa ilalim ng regular na programa at pati na rin ang sakop ng penalty condonation, ang Loan Restructuring Program na siyang bukas para sa mga miyembrong hindi nakapagbayad ng utang, at ang na-veto na P2,000 pension increase.

Kasama ni de Quiros sa panel sina (itaas na larawan, mula sa kaliwa) Senior Vice President (SVP) para sa Administration Group May Catherine C. Ciriaco, SVP para sa Luzon Operations Group Josie G. Magana, Vice President para sa Luzon South Division 1 Virginia S. Cruz at SSS Bacoor Branch Head Exequiel O. Panganiban.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/kauna-unahang-sss-stakeholders-forum-isinagawa-sa-bacoor-cavite/