Lalawigan ng Catanduanes LAD-Free na ayon sa DAR

Ipinahayag kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na tapos na ang land acquisition and distribution program (LAD-FREE) sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Sa isinagawang pormal na pagdedeclara ng programa, masayang iniabot ni DAR Regional Director Luis B. Bueno Jr. ang nilagdaan LAD-Free Certification kay Provincial Agrarian Reform Program Officer o PARPO Alexander T. Teves kasama si Assistant Regional Director for Operations Samuel Solomero.

Sinabi ni PARPO Teves na may kabuuang labinlimang libo at labing-apat punto limang-libo siyam na raan at pitumpung (15,014.5970) ektaryang sakahan ang naipamahagi sa sampung libo’t dalawandaan at pitumpung (10,270) magsasakang benepisyaryo sa naturang lalawigan ang nabiyayaan ng LAD- FREE.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga magsasakang benepisyaryo at nangako na magiging produktibo at patuloy na gagawing masigla ang lupang ipinamahagi sa kanila. (jnormt)

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/lalawigan-ng-catanduanes-lad-free-na-ayon-sa-dar/