LTFRB may Sulusyon na sa Trapiko sa Pagbubukas ng Prangkisa sa PUV

SINISIGURO ni Chairman Martin Delgra ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na Hindi makakadagdag ng pagsikip sa daloy ng trapiko ang muling pagbubukas ng aplikasyon ng prangkisa sa mga public utility vehicle.

Sinabi ni Delgra,na may mga nakalatag na silang estratehiya kung papaanong Hindi makakadagdag sa bigat ng trapiko ang nasabing hakbang.

Sa kasalukuyan, ang napakaraming colorum ang isa sa mga dahilan kung bakit  bumibigat ang daloy ng trapiko sa lansangan.

Subalit kung mabibigyan di umano ang mga ito ng prangkisa ay doon lamang sa itinalagang linya makakabyahe ang mga motorista.

Sa lunes na itinakda ng LTFRB ang pagtanggal sa labing Apat na taong moratorium sa pagbibigay ng prangkisa sa mga PUV.

Subalit ipauubaya ng LTFRB sa mga local government unit ang pagdedetermina sa mga linyang may kakulangan ng mga PUV bago nila aprubahan ang isang aplikasyon.

Kumpyansa naman si Delgra na Hindi mahahaluan ng pulitika sa mga lokal na pamahalaan ang pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na mag-endorso para sa mga aplikante na bibigyan ng mga bagong ruta. (Ni: Fred Salcedo)

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/ltfrb-may-sulusyon-na-sa-trapiko-sa-pagbubukas-ng-prangkisa-sa-puv/