Medical Mission at Gift Giving ng SOGO Cares Doctors on Wheels sa Alaminos, Pangasinan, Tagumpay!

image

Naging matagumpay ang isinagawang Medical Mission at Gift Giving ng Hotel Sogo – Sogo Cares sa Alaminos, Pangasinan na ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center ng Alaminos City, nitong nakaraang April 21, 2017.

Umabot sa mahigit 300 katao ang bilang ng mga bata at matanda ang nakinabang sa Medical Mission na isinagawa ng Doctors on Wheels ng Hotel SOGO na mula sa ibat-ibang barangay sa Alminos. May bilang na 250 katao  naman mula sa ibat-ibang barangay ng nasabing lugar na karamihan ay PWDs  ang tumanggap ng mga regalo o Gift Giving mula pa rin sa Sogo Care ng Hotel Sogo.

Nagsimula ang Medical Mission ng 11AM at natapos ng halos 2PM. Kasunod nito ang maikling programa na sinabayan ng gift giving para sa ibang mahihirap at PWDs sa Alaminos, Pangasinan. Sa mensahe ni City Administrator Dr. Emielou E. Gellado, Malugod nitong pinasalamatan ang buong team ng Hotel Sogo na kinabibilangan ng mga Doctors, Nurses at Staff, kasamang pinasalamatan ang grupo ng mga mamamahayag na mula sa  PScijourn MegaManila at PAPI, at lahat ng naging katuwang para maging matagumpay ang nasabing okasyon.

Ito ay inorganisa ng Philippine Science Journalists Mega Manila (PScijourn MegaManila), Hotel SOGO – SOGO Cares, at ng Island Nest Hotel Resort, katuwang ang Kiwanis International, Kiwanis Club of Hundred Islands, The Generics Pharmacy, Publisher Association of the Philippines Inc. (PAPI) at ang City of Alaminos.

Sa 2 araw na pagbisita ng grupo na mula sa Maynila, naging abala naman ang mga taga Alaminos sa pag estima sa mga panauhin, partikular ang Island Nest sa pangunguna ng may ari nito na si Gerlyn Enorme, Kiwanis International, Kiwanis Club of Hundred Islands sa pangunguna naman ng Presidente nito na si Engr. Fausto “Ping” Lopez, LGUs at iba pa. (Photo by: Jimmy Camba) (Click picture below to enlarge) 

imageimageimage

imageimageimage

imageimage

imageimage

imageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/medical-mission-gift-giving-ng-sogo-cares-doctors-wheels-sa-alaminos-pangasinan-tagumpay/