Mga manggagawa mula sa Informal Sector tumanggap ng AlkanSSSya units mula sa SSS, QC gov’t

image

Nasa larawan sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte (2nd row, 9th from left) kasama ang mga kinatawan ng mga bagong tumanggap ng mga AlkanSSSya units at mga empleyado ng SSS Congressional branch. Makikita rin sa ikalawang hanay sina SSS President & Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr. (8th from left), Management Services and Planning Department Officer-In-Charge Eleonora Cinco (6th from left), Senior Vice President for Administration Group May Catherine Ciriaco (7th from left), AlkanSSSya Program Consultant Amalia Tolentino (10th from left), Special Assistant to the President and CEO Marilou Mendoza (11th from left) at Cooperatives and Informal Sector Department Head Ma. Nympha Ragel (12th from left).

Umabot halos sa 500 manggagawa mula sa 10 informal sector groups (ISGs) na sakop ng Social Security System (SSS) Congressional Branch ang mga bagong tumanggap ng AlkanSSSya units mula sa tanggapan ng Bise Alkalde ng Quezon City government. Tinanggap ng mga miyembro ang kanilang unit sa ginanap na 2nd Grand Launching ng AlkanSSSya units noong October 9, 2015 sa Quezon City Memorial Circle Basketball Court. Taglay ang temang “Kabuhayang Pinagsikapan, Sa AlkanSSSya, Seguridad Maaasahan,” ito ang ikalawang bahagi ng mass distribution ng mga AlkanSSSya units.

Sakop ng SSS Congressional Branch ang Napocor Village Drivers and Vendors Association at apat na tricycle operators at drivers associations (TODA) kabilang ang Culiat, Eastroad 20, Tandang Sora at Government Service Insurance System (GSIS) Village. Kasama rin dito ang limang local government units na may mga job order (JO) at contractual workers na hindi kabilang sa mandatory GSIS coverage, na binubuo ng Brgy. Ramon Magsaysay  Employees Group, Brgy. Bahay Toro Employees Group, Community Mortgage Program Tandang Sora Association, Office of District 6 Employees Group, at Brgy. Tandang Sora Brgy Workers at JO Association.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/mga-manggagawa-mula-sa-informal-sector-tumanggap-ng-alkansssya-units-mula-sa-sss-qc-govt/