Mga na-demolished dahil sa R-10 road widening, ililipat sa Pandi, Bulacan

PAMILYANG HINDI KASAMA SA RELOCATION, UMAPELA!

image

Head  demolition Team –  Salvador Gunao kinakausap ang mga residentente na nademolished dahil sa R-10 road widening na ililipat sa Pandi, Bulacan(Photo by: Rick P. Nicolas)

 

Makasaysayan ang North Bay Boulevard na isa sa pangunahing kalsada sa lansangang may dalawa hanggang apat ang mga linya na dumadaan sa paligid ng Navotas Fish Port Complex sa Navotas paungong A. Bonifacio Drive sa Maynila.

Isa ito sa mga pangunahing daan sa Navotas na dumadaan mula hilaga-patimog kalinya ng Daang Marcos (R-10) sa kanluran. Ang hilagang dulo nito ay sa Kalye Mariano Naval sa Barangay Bagumbayan South, at ang katimugang dulo nito ay sa Honorio Lopez  Boulevard sa San Rafael Village. Inuugnay nito ang Tondo sa timog sa Barangay Bagumbayan South sa hilaga. Pinangalanan ito sa kinaroroonan nito sa Look ng Maynila sa hilaga ng komplex ng Manila North Harbor.

Bukod sa Radial Road 10 (R10) dating Marcos Road, ang 47.5 ektaryang (117 acre) na lupain ay naging resettlement site para sa maraming mahihirap na pamilya mula sa Tondo, at ngayon ay pinamamahalaan ng tatlong barangay ng Navotas: Bangkulasi, Northbay Boulevard North, at Northbay Boulevard South, ang pinakamalaki sa lungsod na may populasyon na 68,375 noong 2010.

Dahil sa pag-unlad ng negosyo sa  Manila North Habor Complex, dumami rin ang mga biyahe ng track na may kargang trailer na pumapasok sa bansa na naging dahilan ng road widening sa naturang lugar kung saan ang dating 4 lane na kalsada mula Navotas hanggang MICP Complex ay na-doble dahil sa pag-demolished ng mga kabahayan sa parteng north bound ng naturang kalsada.

Maraming mamamayan ang umepala sa road widening, ngunit wala silang nagawa dahil kailangan talagang palakihin ang kalsada para maging mabilis ang byahe ng mga track na pangunahing dumaraan sa lugar.

Matatandaan na noong Marso 2, ay nagkaroon ng clearing operation ang bahaging two lanes ng north bound direction ng R-10 at Bonifacio Drive na pinangunahan ng DPWH katuwang ang Manila city government, MMDA, at Philippine National Police (PNP).

Bukod dito, ang mga mamamayan na nawalan ng tirahan dahil sa road widening ay nabigyan ng relocation, kung saan ililipat ang mga naapektuhang mamamamayan sa Pandi, Bulacans.

Sa Mayo 17 at 18 at isasagawa na ang paglilipat ng mga mamamayang tinamaan ng R-10 road widening, kung saan naka handa na ang mga bahay sa Pandi, Bulacan na kanilang lilipatan.

Bukod dito, ang ibang hindi nakasama sa Pandi, Bulacan, tulad nina Remedios Quinto, Maria Lilibeth Quinto, Marlon Quinto, Virginia Acebo, Roberto De La Cruz, Elmera Valleser at Eutropio Gabi ay nakapagsampa ng civil case No. 14-131786 sa National Capital Judicial Region ng Regional Trial Court Branch 25, Manila ng para sa preliminary injuction at temporary Restraining Order (TRO) laban sa Department of Public Works and Highway (DPWH-NCR), Department of Social Welfare ng City of Manila, Urban Settlement Office (USO), City Engineering Office (CEO), National Housing Authority (NHA) at mga Barangay sa Manila Barangay 118 at Barangay 123.

Matapos ang paglilipat ng mga mamamayang papuntang Pandi, Bulacan sa Mayo 17 at 18, magsasagawa na muli ng clearing operation ang DPWH katuwang ang Manila city government, MMDA, at Philippine National Police (PNP), upang tuluyan nang madaanan ang north bound lane ng Northbay Boulevard papuntang Navotas City.

Ngunit, ang naiwang maliit na puwesto ng isang pamilya Valleser ng 143 Road, corner Chesa St. sa Barangay 118, Magsaysay, Tondo, Manila na malayo naman sa isasagawang clearing operation sa Mayo 17 at 18 ay nais kunin umano ng barangay at ng NHA sa hindi malamang dahilan.

Ngunit ayon sa pamilya, ipaglalaban nila ang naiwang kapirasong lupa na tinayuan ng maliit na bahay para sa kanilang maayos ng pamumuhay sa lugar. (Noli Liwanag)

image

image

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/mga-na-demolished-dahil-sa-r-10-road-widening-ililipat-sa-pandi-bulacan/