MILO Little Olympic sa Marikina, Raterta wagi sa 800 Meter Run

image

Sa ikalawang araw ng 2016 MILO Little Olympic  nitong nakaraang Agusto 27, na kung saan kasali sa 800 meter run ang anak ni Luisa Raterta na si Leonalyn Raterta. Sa unang arangkada pa lamang nang patakbo, makikita sa larawan na lamang kaagad si Leonalyn sa mga kalaban, at sa kalagitnaan ng 800 meter run, tuluyan ng iniwan at ipinagwagwagan ni Leonalyn ang mga katungali. Subalit habang papalapit na sa finish line, unti-unti nang kinakapos si Leonalyn ng hininga kung kayat makikitang muntik-muntikan na siyang abutan ng pumapangalawa sa kanya. Subalit sa bandang huli si Leonalyn pa rin ang nagwagi sa 800 meter run. Pakatapos manalo tuluyan ng bumagsak at napaupo ito dahil sa pamumulikat ng paa. Agad namang siyang tinulungan at inalalayan ng medical aid para malapatan ng lunas.

Magugunitang ang ina ni leonalyn na si Luisa Raterta, ay nahinto sa pagtakbo ng halos dalawang taon dahil sa pagkapilay. Subalit bago pa man napilayan dati na siyang 5x winner sa Metro Manila. Nitong 2016 40th National MILO Marathon nitong nakaraang July 31, na ginanap sa NCR Mall of Asia Pasay City, ay muli na namang namayagpag si Luisa Raterta sa 42k bilang kampion.

Ayon pa kay Luisa Raterta, ang kanyang anak na panganay na si Leonalyn ang kanyang inspirasyon dahil ito umano ang gustong sumunod sa kanyang mga yapak. (Click Picture below to enlarge)

imageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/milo-little-olympic-sa-marikina-raterta-wagi-sa-800-meter-run/