Monsanto Philippines at UP-LABS para sa Modernong Pagsasaka

image

Pinangunahan ng Monsanto Philippines ang isinagawang outreach activity ng mga estudyante mula sa University of the Philippines League of Agricultural Biotechnology Students (UP-LABS), na ang layunin ng nasabing aktibidad ay magkaroon ng malawak na pananaw ang mga kabataan pagdating sa modernong pagsasaka. Sana ang nasabing actibidad ay magsilbing paalala sa mga nagsasabi na ang pagsasaka ay hindi magandang propesyon at maliit ang kita. Dahil ang katotohanan ito ay magandang pagkakakitaan, kung kaya itama natin ang kasabihang ito at hikayatin ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong Agriculture Science.

Mahigit 50 grade school students at mga guro mula sa Alabang Elementary School ang nanood sa isinagawang live performance ng mga taga UP-LABS na ginanap sa Bulwagang Haribon, Insular Life Corporate Centre, Muntinlupa City.

Binigyan diin ni Monsanto Corporate Engagement  Lead Charina Garrido-Ocampo ang kahalagahan ng agrikultura para sa mga susunod na henerasyon  “ Today’s  youth plays  a critical role in contributing creative  idias and actions to address real- world issues such as food security . Monsanto collaboration with UP- LABS demonstrates our efforts to work with different stakeholder, including the young, to promote sustainable agriculture,”.

Samantala, sa mahigit apat at kalahating dekada (45 taon) ng pagnenegosyo ng Monsanto sa Filipinas, itinalaga  ng Monsanto Philippines ang kauna-unahang Filipina na si Rachel P. Lomibao bilang  Monsanto’s  Commercial Lead sa bansa, na dating Marketing Lead ng nasabing kumpanya.

Katunayan lamang, na ang Monsanto Philippines. ay naniniwala sa talino at galing ng isang babaeng Filipina, kung kaya’t binibigyan nila ng pagkakataon ang lahat na maitaas ang antas ng kanilang posisyon lalaki man o babae.

Si Rachel P. Lumibao ay tubong Pangasinan, pamilya ng mga magsasaka, nagtapos ng Bachelors degree in Communication sa UP at natapos ang Masters degree in Business Administration sa Ateneo Graduate School of Business.

Layunin ni Lomibao na paigtingin pa ang paggamit ng siyensya at teknolohiya sa pagsasaka upang  maitaas ang moral at kalidad ng mga magsasaka at matiyak na may pagkaing maihahain sa hapag kainan  ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Monsanto Philippines.

“Rachel has already proven that she has strong leadership skills as well as excellent business and technical skills,” ayon kay Ocampo. “All of us at Monsanto are highly optimistic that she will be able to steer our organization to achieve even greater heights.”(Click picture below to enlarge)

imageimageimageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/monsanto-philippines-labs-para-sa-modernong-pagsasaka/