National Abaca Summit Nov. 4-5, 2015

 

20151104_122224

ISINAGAWA ang National Abaca Summit sa Main Campus ng Southern Leyte State University, sa Sogod, Southern Leyte nitong nakaraang Nobyembre 4-5, 2015. Ito ay dinaluhan ng DOST-PCCAARD, DA, World Fish, Local Government Unit at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa unang araw ng nasabing okasyon ay ang pagpapakilala ni Dr. Leo Caneta, Regional Executive Dir. ng Department of Agriculture RFO8 sa mga pangunahing bisita at tagapagsalita na mula pa sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno na buhat pa ng Maynila at karatig na probinsiya, LGU, at mga magsasaka sa bayan ng Sogod, Southern Leyte.

Una ng nagpaliwanag ang Bise Alkalde ng Municipalidad ng Sogod na si Hon. Rufo C. Ulo na kung saan kanyang ipinaliwanag kung paano naisagawa ang pagkakaroon ng summit sa lugar. Nasundan ito ni Dr. Clarito M. Barron OIC- EXecutive Dirdector, Phil.FIDA, ipinaliwanag ang Roadmap Development program.

Nabangit din sa nasabing summit ang pagbibigay ng DOST-PCAARRD ng 3 Milliong tulong pinansiyal sa 4 na Barangay sa Sogod Southern Leyte na kinabibilangan ng Brgy. Mac, Brgy. Mahayahay, Brgy. Maria Plana, at ang Brgy. Javier. Ito ay para sa pambili ng mga pangangailangan para sa muling pagbangon matapos na atakihin ng mga pesteng insekto ang kanilang pananim na abaka, na sinundan pa ng hambalusin ng super typhoon na kumitil sa napakaraming buhay at sumira sa lahat halos ng pananim at ari-arian sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Lily Ann D. Lando ng World Fish, Scientist, na nanguna sa pag-organisa ng nasabing summit, 3 hanggang 4 na taon manunumbalik ang dati sigla sa nasabing bayan, dahil sa halos lahat na ng panganga-ilangan ng Sugod Southern Leyte ay mayroon na, maging mga machine na kakailanganin sa pag-aani, katulad ng Plant Power Shredder (PPS), na matatagpuan sa National Abaca Research  Center sa Visayas State University, Visca, Baybay City, Leyte, at Abaca Power Stripper na maaaring makapag harvest ng  abaca ang apat na tao ng isang ektarya sa loob lamang ng 7-8 na araw (depende sa operator).

Ayon naman kay Mac Brgy. Chairman Raul F. Galola isa sa pinakamalaki sa apat na Brgy., na sa tulong pinansiyal ng DOST-PCAARRD, LGU,s at iba pang ahensiya ng gobyerno, unti-unti na umanong nakakabangon ang kanilang Barangay. Bukod kasi umano sa pinansiyal na tulong, bumuo sila ng kooperatiba at Livelihood Program na kung saan tinuruan sila gumawa ng sabon, buko pie, at iba pang pwedeng pagkakitaan. Tinuruan din umano sila ng tamang pagtatanim ng abaca, paglalagay ng abono, pag iispray ng pesticide, mula sa Tissue- Cultured Plantlets hanggang mailipat sa pataniman ng abaca.

Sinabi pa ni Galola, na sa ngayon maganda ang sibol ng pananim na abaca sa apat na Barangay at isang taon na lamang umano ay aanihin na ang nasabing pananim na abaca, na ang makikinabang ay buong bayan ng Sogod, Southern Leyte. Nagpapasalamat siya ng malaki, dahil na kung hindi umano sa tulong ng mga LGU’s, mga ahensiya ng Gobyerno, partikular ang DOST-PCAARRD ay hindi umano sila makakabangon sa kanilang kahirapan.

Sa pangalawang araw ng Abaca Summit, nagsagawa ng roll call, kasunod ang overview ni Dr. Lily Ann D. Lando ng World Fish. Ang pagpapaliwanag naman ni Dr. Antonio G. Lalusin hingil sa ABTV Resistant Hybrids; Promising Hybrids and varieties ni Dr. Luz O. Moreno; Tissue cultured/disease-free planting materials naman ang ipinaliwanag ni Rosedina P. Corsino ng PhilFIDA at Flora Mia Y. Duatin ng NARC. Sa Abaca Disease Management ni Dr. Ruben M. Gapasin ng NARC; Dipstick for ABTV Diagnostic, Dr. Edgardo E. Tulin, VSU. Sa Post Harvest  Technology and Mechanization, ang  Stripping  machine & twining (portable) ay  ipinaliwanag naman ni Dr. Feliciano G. Sison ng NARC; ang Mobile Stripping  Machine & Decorticating Machine naman ni Dr. Remedios V. Abgona ng PhilFIDA.

Marami pang tinalakay sa pangalawang araw ng pagtitipon. Sa Clossing Session, ang Coalition ng Abaca ay pinangunhan ni Engr. Edgardo M. Esperancilla, Regional Director ng DOST8. At sa ginanap na Clossing Remark, ito ay ginampanan ni Dr. Maripaz L. Perez Country Director ng World Fish, sa panghuli ang Closing Prayer ni Dr. Feliciano G. Sison. (click picture below to enlarge)

20151104_11252420151104_112454imageimageimageimage

imageimageimage20151104_085639

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/national-abaca-summit-nov-4-5-2015/