image

Nagsagawa ng National Fisheries Industry Summit at kaunaunahang  Bangus Congress ang Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(DA-BFAR) nitong nakaraang Feb. 3, 2016 na pinangunahan nina DA Secretary Proceso Alcala at BFAR National Director Atty. Asis G. Perez na ginanap sa Philippine Trade Training Center (PTTC), Pasay City.

Nakiisa sa pagdiriwang sina Deputy Chief of Mission Michael Klecheski, ng US Embassy, Sen.Cynthia Villa, chairman ng Senate Committee on Agriculture & Food; Sen. Loren Legarda,  chairman Senate Committee on Finance; Cong. Benhur L. Salimbangon,  chairperson House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources at mga kinatawan ng iba’t ibang grupo na may pagpapahalaga sa pangisdaan.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng halos 1,500 delegado mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa para sa pagpapalaganap ng Comprehensive National Fisheries Industry Development Plan para sa 2016 hanggang 2020 na ibinahagi sa mga 500 stakeholders na kinatawan mula sa four major fisheries subsectors tulad ng capture fishing, aquaculture, post-harvest at marketing.

Sa ginanap na 1st Bangus Congress,  ipinakita ang mga programa para sa pagpapalakas ng industriya ng bangus sa bansa, layunin ng nasabing programa na paunlarin at madagdagan ang kita ng mga maliliit na mangingisda partikular na sa kanayunan.

Kilala ang Pilipinas na may magandang likas na yamang tubig kung saan may 65 na uri ng isdang pang komersyal, kaya naman kinilala ang bangus bilang pambansang isda sa inihaing House Bill 3926 o ang Philippine National Symbols Act of 2014.(Click picture below to enlarge)

imageimageimage20160203_12275620160203_12010020160203_11410920160203_114344