SINO KA? Opisyal ng PENRO sa Visaya, ibinibenta ang lupa sa kabundukan

image

Ang lugar sa Barangay Kumaliskis bayan ng Don Salvador Benedikto, Bacolod City, Negros Occidental na kung saan 18 ektarya ng lupa na umano ang na-ibebenta ng isang opisyal ng PENRO sa kabisayaan.

Ang Negros Occidental, na kilala rin bilang Occidental Negros o Western Negros, ay isang probinsiya sa Filipinas na nakapaloob sa Negros Island Region. Ang kanyang kapital ay Bacolod City, na kilala ring “Sugarbowl of the Philippines”, dahil sa ang napo-produce na asukal sa bansa ay higit sa kalahati ang mula sa nasabing probinsiya.

Ang pangunahing salita ay Hiligaynon (o Ilonggo), majority religion ay Roman Catholic. Ang populasyon sa ngayon tinatayang umaabot na sa 3,200,000 isa sa napaka raming bilang ng populasyon sa probinsiya ng Negros Island Region,  pangalawa sa pinakamaraming bilang ng tao sa probinsiya ng Visaya pagkatapos ng Cebu at panlima sa pinakamaraming bilang ng populasyon sa Filipinas.

Kilala rin Summer Capital ng Negros Occidental ang bayan ng Don Salvador Benedicto, na ipinatupad ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng resolusyon na pinangunahan ni Board Member Nehemias de La Cruz noong 2009.

Ang Don Salvador Benedicto (DSB) ay tinatawag ding “Little Baguio” dahil sa well-maintained zigzag road ng Negros Translink Ecotourism Highway at may malamig na klima na dahilan ng paglago ng mga bulaklak, gulay, prutas, tubo at  iba pang pananim na nabubuhay sa malamig na klima, bukod pa sa pagkakaroon ng chocolate hills, rice terraces, Malatan-og Falls at kuweba.

Nahahati sa pitong barangay ang DSB na kinabibilangan ng Bago (Lalung), Bagong Silang (Marcelo), Bunga, Igmaya-an, Kumaliskis, Pandanon, at Pinowayan (Prosperidad).

Isa ang Barangay Kumaliskis sa itinuturing na maganda ang lugar na napapabalitang ibinebenta ng isa umanong tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na sangkot din umano ang isa sa mataas na opisyal ng nasabing bayan.

Dahil dito, ilan sa mga residente ng bangaray ang nababahala dahil pati ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay ay isa-isa na ring ibinebenta. Ngunit ayon sa isang ginang na dekada nang naninirahan sa nasabing barangay, hindi umano maaaring magbenta ng lupa ang mga taga PENRO dahil labag umano ito sa batas, lalo na’t hindi nito sakop ang kanilang lugar.

Samantala, ayon naman sa isang broker at caretaker din ng isang lupain sa nasabing lugar, umabot na umano sa 18 ektarya ang naibenta niyang lupa mula sa 10 katao na nagkainteres na bumili ng lote sa Brgy. Kumaliskis na kung saan ni sinkong doling ala pa umano siyang natatanggap na commission batay sa kanilang napag usapan ng nasabing opisyal.

Kung kaya naman, Nananawagan ang mga residente ng Barangay Kumaliskis sa kinauukulan, partikular na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno ni Secretary Ramon J.P. Paje, na tulungan at aksiyunan kaagad ang kanilang hinaing para matigil na umano ang ginagawang  panghaharas ng taga PENRO.(Click picture below to enlarge) 

Mga dinadayong lugar at magagandang tanawin na makikita sa lungsod ng Bacolod, bayan ng Don Salvador, Barangay Kumaliskis. 

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/opisyal-ng-penro-sa-visaya-ibinibenta-ang-lupa-sa-kabundukan/