Paano ba Magiging Matagumpay sa Buhay ?

image

Nagsagawa ng Press Conference nitong nakaraang Lunes September 19 ang Ignite Empower Flourish (IEF) para sa paglulungsad ng kanilang “Symposium,” na may temang “ Success: Ignite – Empower – Flourish.”  Ang nasabing presscon ay ginanap sa HUAT POT Restaurant, Metro Point Center, P. Guevarra St. near Wilson St. San Juan City.

Bawat tao na nasa tamang edad na,  ay may kanya kanyang inaasam sa buhay. Una na rito ang makatapos ng kanilang pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho at  makaroon ng magandang bahay, magarang kotse, mamahaling gamit at luho sa buhay.

Kung kaya naman, ang Kumpanya ng Ignite Empower Flourish (IEF), isang bagong  kumpanya na itinatag nitong nakaraang taon buwan ng Disember 2015, na ang layunin ay makatulong sa bawat taong may mga pangarap na umunlad ang buhay, partikular sa mga kabataang nagsisimula pa lamang na mangarap, ang IEF ay nagbibigay ng advice , training at seminar.

Ayon kay Ms. Kristine Marcelo, Chief Executive Officer ng IEF, naniniwala ang IEF, na ang kabataang Filipino ay malaki ang potensiyal na maging matagumpay sa buhay. Kaya sa ngayon, ang IEF katuwang ang World Vission ay may mga sinusuportahang 10 piling mga estudyante na mag-aaral na benepisyaryo mula sa mahihirap na pamilya sa Zamboanga.

Para mas lalong maintindihan kung paano magkaroon ng magandang buhay, sinabi ni Marcelo na ang IEF ay maglulungsad ng “Symposium” na ang Inspirational Speaker ay si Francis Kong, na kilala bilang magaling at motivational speaker. Dito mai-inspire ang mga kabataan at kahit na sino mang makakadalo sa nasabing event, na kung paano maging matagumpay sa buhay. Kasama sa mga pangunahing tagapagsalita ay sina Eric Cruz at si Ace Gapuz.

Ang nasabing event ay gaganapin sa AFP Theater, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City sa darating na October 18, 2016 sa ganap na ika-2:00 – 4:00PM.

Ticket Price is P1,900 for the benefits of World Vission. And “buy 3 take one promo” available only when purchased directly from IEF between September 20 to 30, 2016. And also the first 50 students who would purchase a ticket from September 20 onwards  will only pay P999.00.

IEF is built to fall under social entrepreneurship where projects are partially for profit and for a cause. (Click picture below to enlarge)

For more details and reservations pls. contacts with Patricia Lana and/or Princess Erica Cruz at 0915.655.9480. www.ief.com.ph / www.facebook.com.ief.ph.

imageimageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/paano-ba-magiging-matagumpay-sa-buhay/