Paglibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, Inalmahan!

image

Sa ginanap na press conference sa isang forum sa Quezon City kaninang umaga Augost 9, 2016, inalmahan ng ibat-ibang grupo at mga biktima ng martial law ang pagpapalibing sa dating Presidente Ferdinand  E. Marcos sa libingan ng mga bayani. Aniya, hindi karapat-dapat sa libingan ng mga bayani ang diktadurya na dating pangulo ng bansa dahil umano sa dami ng kasalanan nito sa bayan at kinurakot sa kabang yaman ng bansa. Nag-ugat ang usaping ito matapos na payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga bayani. Thumbsdown ang ipinakita ng grupo at mga biktima na simbolo umano bilang pagtutol. Dapat raw pag-aralan munang mabuti kung ito’y makatarungan na ihimlay sa libingan ng mga bayani.( Photo By: Robert Gines)

image

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/paglibing-ni-marcos-sa-libingan-ng-mga-bayani-inalmahan/