Pagpatay sa Limang Magsasaka sa Nueva Ecija at Isabela Pina-iimbestigahan ng DAR

 

Pagpatay sa limang magsasaka nuong Sabado sa Laur, Nueva Ecija at nitong nakaraang Miyerkules sa Isabela, pina-iimbistigahan na ng DAR. Taus pusong namang  pakikidalamhati at pakikiramay ang ipina-aabot ng DAR sa mga naulilang pamilya.

Ipinag-utos na ni Agrarian Reform Secretary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano ang agarang imbestigasyon sa nangyaring magkasunod na pamamaslang sa lima katao nitong nakaraang sabado, Sept. 4,  at nitong miyerkules  Sept. 7, taong kasalukuyan. Ang agarang imbestigasyon ay ipinag-utos para  mapanagot ang sangkot sa pamamaslang at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga biktima, partikular sa mga naulilang pamilya.

Ayon sa inisyal na inbestigasyon, ang mga magsasaka na sina Baby Mercado, Violeta Mercado, Eligio Barbado at Gaudencio Bagalay ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan sa Laur, Nueva Ecija, habang sila ay nagpapahinga sa kanilang mga lupain mula alas dos hanggang alas 3 ng hapon. Samantala, tatlo ding hindi pa nakikilalang mga salarin ang bumaril kay Ariel Diaz. na kilalang Chapter leader ng Kilusang Magbubukid (KMP).

Kasabay nito, inatasan din ni Mariano si Undersecretary for Legal Affairs Office (LAO) Luis Meinrado C. Pangulayan na mamuno sa isang fact-finding committee na siyang mag-iimbestiga sa magkahiwalay na insidente. Tutulungan si Pangulayan nina LAO Assistant Secretary Elmer N. Distor bilang co-Chairman at mga miyembro nito na sina: Regional Director, Provincial Agrarian Reform Program Officer, at Chief Legal Division ng naturang mga lalawigan, isang farmer-representative mula sa kinikilalang organisasyon ng mga magsasaka sa lugar at representative sa Officce of the Secretary na si Atty. Jun-Jun Malsi.

Ipinag-utos din ni Mariano na alamin, kung ang nasabing patayan ay may koneksiyon sa implementasyon ng repormang agraryo sa mga lugar na nabanggit.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/pagpatay-sa-5-magsasaka-sa-nueva-ecija-at-isabela-pina-iimbestigahan-ng-dar/