20161122_091950

Kasabay sa ika-29 Anniversary ng Consortrium nitong nakaraang Nobyembre 22-23,  inilungsad naman ang ZamPen (Zamboanga Peninsula) Native Chicken FIESTA (Farms and Industry Enhancement through Science and Technology Agenda) na kung saan ito ay ginanap sa KCC Mall de Zamboanga, Zamboanga City. Ito ay may temang “Manok ZamPen.”

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga magsasaka, estudyante mula sa Western Mindanao State University (WMSU), J.H. Cerilles State College-Dumingag Campus(JHCSC),  NGO’S, Madre, indibidual at iba pang grupo.  Layunin nito na mabigyan  ng pagkakataon ang bawat indibidual, magsasaka, partikular ang mga bilango sa rehiyon na magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagpapalaki ng ZamPen Native chicken.

Sa unang araw ng nasabing okasyon, pinangunahan ni Dr. Milabel E. Ho Presidente ng Western Mindanao State University ang pag welcome sa mga pangunahing  tagapagsalita  at mga bisita. Kasunod nito ang ang pagpapaliwanag naman ni Dr, Teresita A Narvaez ng WMSU sa Rationale ng FIESTA.

Dumalo rin ang Mayor ng Zamboanga City na si Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar, na siyang nagbigay ng unang mensahe, kasunod nito ang mensahe naman ni Dr. Edwin C. Villar, Director of the Livestock Research Divison (LRD-PCAARRD).

Sinundan ito ng Ceremonial para sa Signing of Memorandum of Agreement (MOA) at ang Material Transfer Agreement (MTA), Ceremonial Ribbon- Cutting of Product at Poster, Photo Exhibit,  Viewing of Products and Exhibits, Media Conference at ang Native Chicken Cooking Challenge 2016.

Sa mensahe ni Mayor Climaco-Salasar, pinasalamatan nito ang DOST-PCAARRD sa ibinigay na pondo sa kanilang Rehiyon, na pondo para sa Livelihood ng mga magsasasaka, bilango at indibidwal na nais magkaroon ng pagkakakitaan. Nabanggit din ni Mayor Climaco Salazar, na minsan ng nagkaroon ng kakulangan sa Manok ang kanilang Rehiyon.

Ganon din ang pasasalamat ng WMSU, JHCSC SRPPF, sa PCAARRD na kung saan, sa ika-29 Anniversary ng Consortrium isinagawa ang MOA signing para sa pagbibigay ng mas malaking pondo para sa kanilang Livelihood at pagpapatupad ng nasabing kasunduan.

Pagkatapos ng pananghalian sa unang araw ng okasyon, Isinagawa naman ang S&T Business Forum: tinalakay ni Dr. Synan Baguio, OIC, Dir. LRD-PCAARRD ang tungkol sa “S&T Based Selection, Breeding and FreeRange Production Management  of ZamPen Chicken.” Tungkol naman sa “Range Management Protocol and Feeding Strategies for Sustainable NatIve Chicken Production na ipinaliwanag ni Mr. Alfred Parungao ng DOST-PCAARRD at Dr. Rafael Baguio, ng WMSU. Si Dr. Paterna  Saavedra  ng WMSU naman ang nagpaliwanag hingil sa “Breeder Native Chicken and Harchery Management.” Kasunod nito ang pagpapaliwanag ni Mr. Julian H. Payne, President and CEO, TECHREO Inc./ President, Canadian Chamber of Comerce of the Philippines  ang tungkol sa “ Best Practices 7 Sharing of Plans on Native Chicken for Adoption and Comercialization. Sinundan ito ni Dr. Teresita A. Narvaez ng WMSU, tinalakay nito ang tungkol naman sa “ Marketing and Pricing Strategies for ZamPen Chicken.”

Sa huli, ipinaliwanag at ikinuwento ni Wilfredo Castillo ng BUCOR SRPPF ang kalagayan ng mga ZamPen Native Chicken na nasa loob mismo ng SRPPF. At ayon pa dito na nasa 800 hanggang 1,000 sq.m ang lote na kinanalalagyan ngayon ng ZamPen Native Chicken, meron pa umanong 600 ektaryang nakalaan para sa expansion ng SRPPF para sa darating na mga taon.

Nagsilbing EMCEE at Moderator sina: Dr. Claire A. Moderazo at Dr. Mary Joselyn C. Biong.

   image

  20161122_160520

     20161122_092426