PCAF Naglungsad ng 1st National Search for Outstanding AFC Chairpersons and Coordinators

ANG Philippine Council for Agriculture and Fishery (PCAF), ang advisory body ng Department of Agriculture (DA), ay naglungsad kamakailan ang kauna-unahang search for the outstanding Agricultural and Fishery Council (AFC) chairpersons and coordinators.

Sa pagdiriwang ng PCAF’s first Volunteers’ Day, na ang layunin ay kilalanin ang natatanging  kontribusyon at serbisyo ng mga nararapat na incumbent AFC chairpersons at coordinators nationwide.

Sa ngayon mayroon nang 16 Regional AFCs (RAFC), 82 Provincial AFCs (PAFC), 19 Independent Component City AFC (ICCAFC)/Highly Urbanized City AFC (HUCAFC), at 1,611 Municipal/City AFC (MAFC/CAFC) sa bansa.

Inilungsad ang nasabing  search upang makilala ang mga natatanging RAFC Chairperson, RAFC Coordinator, PAFC Chairperson, PAFC Coordinator, MAFC Chairperson at MAFC Coordinator. Bukod sa  plaque, ang mananalo ay tatanggap din ng cash prizes na nagkakahalaga ng PhP60,000 bawat isa.

Ang AFC ang siyang magsisislbing mekanismo ng pribadong sektor para makasali sa development processes ng regional, provincial at municipal level.

Magiging basehan para manalo sa nasabing patimpalak ang natatanging contribusyon sa agricultura at fishery sector, kagaya ng: pamumuno, performance at pagseserbisyo ng tapat para sa AFC, Agri-fishery undertakings or the livelihood projects, community involvement, efficiency, effectiveness and creativity.

Bukod pa sa criteria, ang AFC chairpersons ay kailangang nakapagserbisyo na sa parehong posisyon ng 3 taon, samantalang ang coordinators ay kailangang  nakapagsilbi na rin sa dati niyang posisyon ng halos  5 taon para ma-qualify.

Sa kasalukuyan, ang  search’s Board of Judges ay nag-eevaluate ng  nominasyon mula sa ibat-ibang rehiyon.

Ipapahayag ang mga magwawagi sa March 9, 2016, kasabay sa pagdiriwang ng PCAF’s  inaugural Volunteers’ Day.

 

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/pcaf-naglungsad-ng-1st-national-search-outstanding-afc-chairpersons-coordinators/