PNTOA, May hirit na dagdag na P150 sa kada 2-minuto

20160129_114307

Sa isinagawang Press Conference ng samahan ng mga Taxi operators sa kalakhang Maynila nitong nakaraang biyernes Enero 29, 2016, umapila ang grupo ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) na pinamumunuan ni Cong. Bong Suntay sa  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan din ang patak ng metro ng mga mga Taxi na bumibiyahe sa kamaynilaan sa panahon ng waiting time.

Ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigan ang siyang nagbigay ng dahilan sa LTFRB para magpanukala na tapyasan ng P10 ang bawat flagdown rate ng mga taxi sa tuwing may sasakay na pasahero at para maging permanente na P30 ang flagdown rate na dating P40.  

Hiniling naman ng Grupo ni Suntay na dagdagan din ng P1.50 man lamang ang kasalukuyang umiiral na P3.50 kada 2-minuto sa patak ng metro sa panahon ng waiting time, dahil sa tindi umano ng trapiko sa ngayon halos katiting na lamang ang kinikita ng mga driver, kung kaya ang iba ay gumagawa na ng mga diskarte at panlalamang sa mga pasahero. Ipinaliwanag din ng PNTOA na ang waiting time ay sinasabing kapag nakatengga ang taxi sa stoplight o di kaya nakahinto ito dahil sa trapik.

Ayon kay Suntay, sa kabila umano ng pagbaba ng presyo ng krudo, patuloy pa din ang pagka­lugi ng mga taxi drivers dahil sa tindi ng sitwasyon sa trapiko. “Mababa nga ang krudo, hindi naman tumatakbo ang sasakyan, bale wala din,” ayon pa kay Suntay.

Sinabi pa ni Suntay na kaya gumagawa ng sariling diskarte ang mga Driver ay dahil na rin umano sa trapiko, na dati aniyang 40 katao ang naisasakay sa taxi ngunit ngayon umano ay 20 katao na lamang. “Hindi ko Kinukunsinte ang ginagawang panlalamang ng mga tsuper sa mga pasahero, dahil ito ang nagiging dahilan kung bakit napapa­sama ang imahe ng mga drivers at operators.” Sinabi pa nito na hindi nila tino-tolerate ang ginagawang masama ng mga tsuper sa mga pasahero. Ito’y kanilang tinatanggal at ginagawan ng aksyon ang bawat reklamo ng mga pasahero.

20160129_113334

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/pntoa-may-hirit-na-dagdag-na-p150-sa-kada-2-minuto/