Provincial Bus Terminal sa QC Ipagbabawal na

HINDI na papayagan pa nang Lungsod Quezon na magkaroon ng Provincial Bus terminal at garahe sa teretoryo na sakop ng Quezon City, kapag naaprubahan na ang ordinansa ng Quezon City council.

Nakasaad sa nasabing ordinansa,  “No Provincial Bus Terminal/Garage in Quezon City,” ito ay para na rin sa kaayusan ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang mga operetor o kumpanya ng Provincial Bus, ay papayagan lamang na magkaroon ng ticketing o sales opis, subalit hindi sila papayagan na mag repair o pumarada.

Ang mga pangunahing may akda  ng nasabing panukalang batas ay sina: Konsehal Ramon “Toto” Medalla, Konsehal Victor Ferrer, Jr. at Konsehal Anthony Peter Crisologo.

Sa mga operator o kumpanya na lalabag sa probisyon ng nasabing ordinansa, sila ay papatawan ng  kaukulang penalty. Sa unang-paglabag sila ay pagmumultahin ng P3,000. 2nd offense P5,000 at P5,000 pa rin sa 3rd o  huling paglabag at posibleng kanselasyon/rebokasyon ng permiso para makapag-operate.

Nakatakda naman ang public hearing sa susunod na Linggo para tuluyan ng maipatupad ang nasabing ordinansa, ito ay ayon sa opisina ni Konsehal Toto Medalla. “ Our commuters/ riding  public deserved a break from the daily agonies of heavy traffic. However , in serving our commuting public, we also have to take into account the interests of other stakeholders, like the bus operators.” ayon kay konsehal Medalla.

Sa ngayon, may mga Provincial Bus terminal na tumatakbo papuntang Southern Luzon pabalik ng Quezon City kagaya nang: Tritran, JAC, at JAM Liners ito ay nasa kahabaan ng EDSA kamuning. Sa papuntang Northern Luzon naman pabalik ng Quezon City: ang Baliwag, Victory, Partas, Dagupan, Five Star, at ang Dominion Bus Lines na nasa kahabaan naman ng EDSA Cubao.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/provincial-bus-terminal-sa-qc-ipagbabawal-na/