SOGO Hotel Doctors on Wheels sa Pangasinan

image

Ang Hotel Sogo na kinikilala sa ngayon bilang 2.5-Star Hotel na may pinakamaraming sangay sa bansa na umaabot sa 35 branches ang bilang nationwide ay nakatakdang tumungo sa Alaminos Pangasinan ngayong darating na April 21-22, 2017 para magsagawa ng Medical Mission sa ilang Barangay sa nabangit na lugar.

Ang nasabing Medical Mission ay inorganisa ng Philippine Science Journalists MegaManila (PScijourn MegaManila), grupo ng mga mamamahayag, at ng SOGO CARESSOGO Hotel, katuwang ang Islands Nest, Kiwanis International, Kiwanis Club of Hundred Islands, The Generics Pharmacy, DSWD, Publisher Association of the Philippines, Inc. (PAPI), at ang City of Alaminos.

Magugunitang 2015, inilungsad ng SOGO Hotel ang libreng serbisyong medical/consultation at medication sa mga mahihirap nating kababayan sa bansa sa pamamagitan ng Doctors on Wheels (DOW) Program. Ang DOW ay isang mobile medical bus equipped and furnished na may 4 na examining beds, 10 examining chairs, medical/examination lights at iba pang kagamitan gamit sa medical mission. Ang DOW ay may mga volunteer Doctors, nurses, social workers, pharmacists, staffs, at Hotel Sogo Personnel. Sa ngayon mahigit 3,000 mahihirap na residente na sa bansa ang nabibiyayaan ng nasabing programa.

Tinatayang  aabot sa mahigit 300 residente mula sa ibat-ibang barangay sa Alaminos, Pangasinan ang makikinabang sa pagdayo ng grupo sa nasabing lugar.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sogo-hotel-doctors-on-wheels-sa-pagasinan/