SSS, karanasan sa pabibigay ng calamity assistance ibinahagi sa mga taga-Bangladesh

image

ANG Social Security System (SSS) ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagbibigay ng iba’t-ibang benepisyo at tulong pinansyal sa panahon ng kalamidad sa mga opisyal ng Bangladesh Ministry of Disaster Management and Relief (MDMR) na bahagi ng kanilang SSS Study Tour sa SSS Main Office sa Diliman, Quezon City nitong nakaraang Enero 5, 2016. Ito ang unang study tour na isinagawa ng SSS para sa mga kinatawan ng Bangladesh kung saan ibinida ng ahensya ang mga tulong na ibinibigay nito tuwing may kalamidad sa bansa. Ang study tour ay hiniling ng Center for Disaster Preparedness sa SSS  kaparehang ahensya ng MDMR dito sa Pilipinas na mabigyan ng lecture ang mga taga Bangladesh hingil sa kanilang karanasan pagdating sa serbisyong pinansiyal sa panahon ng kalamidad.

Nagbigay ng lecture si SSS Senior Vice President para sa Administration Group Ms. May Catherine C. Ciriaco (ika-pito mula sa kaliwa) para sa mga kinatawan ng MDMR (mula sa ikadalawa mula sa kaliwa) Gg. Dilip Kumar Sen, Gg. A.B.M Akram Hossain, Gg. Md. Aowlad Hossain Khan, Gng. Ishrat Jahan Taslim, Gg. Md. Siddiqur Rahman, Gg. Satyendra Kumar Sarkar, Gng. Sultana Sayeeda, Gg. Gias Uddin Ahmed, Gg. ASM Shahidul Islam, Gg. Mohammed Asaduzzaman, Gg. Md. Shafiqul Islam. Dumalo rin sina SSS Corporate Communications Department Officer-In-Charge Sonia P. Guinto (kanan) at Special Events and Promotions Team Head Evelyn R. Binarao (kaliwa) sa nasabing study tour.

Noong 2015, ang SSS ay nagsagawa ng study tours para sa apat na mga unibersidad, kabilang ang Technological Institute of the Philippines mula sa Quezon City; St. Anthony’s College-Department of Engineering mula sa Antique; University of Southeastern Philippines mula sa Davao City; at Filamer Christian University-College of Computer Studies mula sa Roxas City. May mga bisita din ang SSS mula sa dalawang ahensya ng gobyerno mula sa ibang bansa, tulad ng Employees Trust Fund mula sa Brunei Darussalam at Employees Provident Fund mula sa Nepal., na siyang natulungan ng mga SSS study tours at lecture tungkol sa SSS coverage, koleksyon, benepisyo, buhay ng pondo ng SSS, mga self-service na pasilidad at iba pa.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sss-karanasan-sa-pabibigay-ng-calamity-assistance-ibinahagi-sa-mga-taga-bangladesh/