SSS, nakiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang Pilipino

 

image

Nasa itaas na larawan (mula kaliwa) sina Bayan Muna General Counsel Atty. Cristina P. Yambot, SSS Chief Actuary at Senior Vice President para sa Actuarial Services Division George S. Ongkeko Jr., COSE Project Coordinator Aura C. Sevilla at Federation of Free Workers President Atty. Jose Sonny G. Matula, dating miyembro ng Social Security Commission na nagsisilbing SSS governing board. Nasa ibabang larawan naman ang mga Katandaang Filipino na nagtatanong sa isinagawang special forum.

Sa pagdiwang ng Linggo ng Katandaang Pilipino,nitong nakaraang Oktubre 7, 2016 nakiisa ang Social Security System (SSS) sa nasabing okasyon. Sa taong ito ang nasabing pagdiriwang ay may temang, “Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa Nakakatanda,.”

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang  isinagawang special forum kasama ang  National Anti-Poverty Commission (NAPC) at ang Coalition of Services for the Elderly (COSE) na ginanap sa SM North Skydome sa Quezon City.

Naka- sentro ang nasabing okasyon sa isinagawang talakayan, na kung saan tumutok ang diskusyon hingil sa mga polisiyang tutugon sa mga isyung apektado ang mga matatanda sa bansa. Isa na rito ang hindi matuloy-tuloy na dagdag pension para sa mga senior citizen (sc), pagtaas ng SSS contribution para sa mga miyembro, kawalan ng respeto ng mga bata sa nakakatanda at iba pang issue.

Sinagot at ipinaliwanag naman ni SSS Chief Actuary at Sr. Vice President Ongkeko Jr. ang katanungan mula sa isang pensyonado ukol sa panukalang P2,000 na pagtaas ng pension, na kailangang muna umanong tukuyin ang pagkukunan ng pondo para dito, tulad ng government subsidy o pagtaas ng SSS contribution rate. Inilahad din ni Ongkeko ang nakikitang magiging epekto ng P2,000 pension increase sa pondo ng SSS at sa mga miyembro at pensyonado ng SSS sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sss-nakiisa-sa-pagdiwang-ng-linggo-ng-katandaan-sa-bansa/