SSS nakipagpulong sa Bulacan media

image

Malumanay na sinagot ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros Jr. (itaas na larawan, pang-apat mula sa kaliwa) ang iba’t-ibang katanungan mula sa mga miyembro ng lokal na midya (ibabang larawan) sa ginanap na “Kapihan sa SSS” sa St. Agatha Resort sa Guiguinto, Bulacan noong Pebrero 16. Kasama sa larawan sina (itaas mula sa kaliwa) Assistant Vice President ng Media Affairs Department Ma. Luisa P. Sebastian, Vice President ng Public Affairs and Special Events Division Marissu G. Bugante, Senior Vice President ng Luzon Operations Group Josie G. Magana, Vice President ng Luzon Central Division Vilma P. Agapito at SSS Malolos Branch Head Francisco L. Lescano.

 

Sa nasabing kapihan, ibinahagi ni De Quiros ang updates ng SSS accomplishments sa mga nakaraang taon gaya ng pagtaas ng kita kada taon na pumapalo ng P35 bilyon mula 2010 hanggang 2015 kumpara sa P8 bilyon lamang na kita noong 2000 hanggang 2009; 50 porysentong pagtaas sa mga ari-arian ng SSS na P445 bilyon noong 2015 kaysa P298 bilyon noong 2010; limang porsyentong dagdag pensyon para sa lahat ng pensyonado na simula Hulyo 2014; at ang pagtaas sa funeral benefit mula sa fixed amount ng P20,000 hanggang sa maximum variable amount ng P40,000 simula Agosto 2015. Nilinaw din ng SSS chief ang maling impormasyon hinggil sa P2,000 dagdag pensyon at ipinaliwanag nito ang magiging epekto sa financial viability at buhay ng pondo gayundin ang epekto nito sa mga miyembro.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sss-nakipagpulong-sa-bulacan-media/