image

Larawan ng galak at kasiyahan ang mga pensyonado ng Social Security System (SSS) matapos na magpunta sa kanilang bangko kahapon at makuha mula sa kanilang bank account ang P1,000 dagdag benepisyo para sa buwan ng Enero 2017. Ito’y matapos na aprubahan ni Pang. Rodrigo Duterte ang paglabas ng pondo para dito noong Pebrero 22. Samantala, ang P1,000 dagdag benepisyo para sa buwan ng Pebrero at Marso ay maaaring i-withdraw sa Marso 10 at 17.

 image

Nasa larawan ang pensyonado na si Erlano M. Wenceslao habang pumipila at kinuha ang kanyang dagdag benepisyo sa Philippine National Bank na nasa SSS head office sa East Avenue, Quezon City. Si G. Wenceslao, 74, ay isang pensyonado mula pa noong Setyembre 2004.