SSS, Tumanggap ng Parangal Mula sa GQMC

image

Nasa larawan sina SSS Vice President para sa Management Services and Planning Division Eleonora Y. Cinco (ikatlo mula kaliwa) habang tinatanggap ang plake mula sa GQMC Chairperson at concurrent Department of Budget and Management Secretary Benjamin E. Diokno (ikatlo mula kanan). Nasa larawan din sina (mula kaliwa) Development Academy of the Philippines Vice President Magdalena L. Mendoza, Office of the President’s Deputy Executive Secretary para sa Internal Audit Alberto A. Bernardo, Department of Interior and Local Government Assistant Secretary Ester A. Aldana, at Department of Trade and Industry Assistant Secretary Ireneo V. Vizmonte.

Sa ikalawang pagkakataon muli na namang ginawaran ang Social Security System (SSS) ng Certificate of Recognition mula sa Government Quality Management Committee (GQMC) para sa matagumpay na pagsunod nito sa mga international quality standards, partikular na sa ISO 9001:2008 requirements, sa 4th Recognition Ceremony noong Nobyembre 10 sa Land Bank of the Philippines Auditorium sa Malate, Manila.

Binigyang parangal ang SSS ngayong taon dahil sa ISO certification na nakamit ng mga sangay nito mula sa La Union, Baguio, Camiling, Pasig-Shaw, Taguig, Calamba, Legazpi, Bacolod, Cebu, and Butuan, at sa kanilang mga naturang Processing Centers sa La Union, Tarlac, Pasig, Makati, San Pablo, Diliman, Iloilo, Cebu, and Cagayan de Oro. Sakop ng sertipikasyon ang mga proseso ng Registration and Coverage System kasama na rito ang para sa management at support nito.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sss-tumanggap-ng-parangal-mula-sa-gqmc/