SSS, Unang Stakeholders’ Forum para sa Ormoc

 

image

Ang Social Security System (SSS) ay nagsagawa ng kauna-unahang  Stakeholders’ Forum sa Ormoc City, Leyte noong nakaraang March 16, 2016,  na dinaluhan ng humigit-kumulang 180 employer representatives mula sa ibat-ibang barangay at munisipalidad sa Ormoc City.

Sa isinagawang Forum, maraming  katanugan ang mga dumalo na malumanay namang sinagot nina SSS President at Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr. (itaas na larawan, gitna) at iba pang opisyal ng SSS. Isa sa mga katanungan ng employers at ibang representante ay ang pagkaantala ng pagpapadala at pagtanggap ng salary loan checks ng mga empleyado.

Ipinaliwanag naman at binigyang-linaw  ni SSS Ormoc Officer-in-Charge (OIC) Atty. Porferio A. Salidaga, Jr. (itaas na larawan, kaliwa) ang iba pang isyu sa forum. Inalok din ni Salidaga ng tulong ang mga dumalo at makipag-ugnayan lamang sa Administrative Section ng Ormoc branch upang maisa-ayos ang kanilang transaksyon sa SSS.

Ang iba pang opisyal ng SSS na nakibahagi sa nasabing forum ay sina (itaas na larawan, mula sa kaliwa) Senior Vice President (SVP) ng Visayas Operations Group Helen C. Solito, SVP ng Administration Group May Catherine C. Ciriaco at SVP ng Information Technology Management Group Joel A. Layson.

Matatandaang, ang Ormoc City at ibang bahagi ng Western Visayas ay kasama sa malubhang tinamaan ng Bagyong Yolanda noong November 2013, na kung saan may mga namatay, nasira ang  mga bahay at halos lahat ng pananim ay sinalanta. Nang makabalik na sa normal ang operasyon ng SSS Ormoc, sila ay tumanggap ng Salary Loan Early Renewal Program (SLERP) applications, kasama na rin ang bayad sa SSS contribution at loan.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sss-unang-stakeholders-forum-para-sa-ormoc/