St. Luke’s Medical City sa QC ipinagdiwang ang ika-23rd Urology week

image

Ipinagdiwang ng St. Luke’s Medical Center Quezon City ang ika-23rd taong anibersaryo ng Urology Week. Sa isinagawang ribbon cutting pinangunahan (kaliwa) ni St. Luke’s SVP & Medical Director Dr. Jose B. Moran, kasama si 13-times CMMA award winning & 3-times Palanca literary awardee writer at Kamuning Bakery Café owner Wilson Lee Flores, at St. Luke’s  QC Institute  of Urology Chairman Dr. Dennis G. Lusaya.

Si Wilson Lee Flores ang naging pangunahing tagapagsalita ng nasabing okasyon. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan at binati ni Flores ang St. Luke’s QC sa magandang serbisyo ng mga doctor, nurses at mga staff. Binigyan diin pa ni Flores, ang pag-tutok ng St. Luke’s na maiwasan ang urology ailments, sa pamamagitan ng pagbibigay ng paalala sa mga tao na regular na magpa-check up ng kanilang cholesterol/colorectal/ prostate (lalo na sa mga lalake). Kasama dito ang pag-inom ng 8-9 na basong tubig araw-araw, pagkakaroon ng 7-8 na tulog sa isang araw, regular na ehersisyo, iwasan ang tumaba ng husto/ at over fatigue, iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at sobrang pagkain ng matataba, at ibpa.

Ang iba pang kasama sa ribbon cutting ay sina: Philippine urological Association President Dr. Pedro L. Lantin III,  ST. Luke’s  Institute of Urology Scientific Committee Chairman Dr. Jun Dy, St. Luke’s Institute of Urology Committee on Cotinuing Medical Education at Dr. Diosdado Limjoco. Ang group photo ay kinabibilangan ng mga topnotcher na doctor ng St. Lukes Medical Center Quezon City,’ Institute of Urology.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/st-lukes-medical-city-sa-qc-ipinagdiwang-ang-ika-23rd-urology-week/