Sweetpotato FIESTA Idinaos

image

Ang Tarlac College of Agriculture’s Sweetpotato Farms and Industry Encounter for Science and Technology Agenda (FIESTA) highlights the various technologies developed on sweetpotato. Ito ay may temang , “ Sweetpotato for Health, Wealth, and Wellness”. Layunin nito na ipromote ang kamote bilang nutritious at alternatibong pangunahing pagkain at pagkakakitaan.

Sa unang araw ng pagdiriwang March 17, 2016, pinangunahan ni TCA President Dr. Max P. Guillermo ang Opening Remarks at pag welcome sa mga pangunahing tagapagsalita at mga bisita. Sinundan ito ng mensahe ni Dr. Jennifer E. Remoquillo, Asst. Director, Bureau of Plant Industry and National Coordinator, HVCDP; Kasunod ang mensahe ni Dr. Edwin Villar, Deputy Director for Research/Development. Kasabay nito, ang pormal na pagbubukas ang exhibits sa publiko, Cookfest-Main dish and Dessert, Poster Making Contest, at Essay Writing Contest.

Bandang hapon, isinagawa ang Sweetpotato Techno-Business Forum na ginanap sa Continuing Education Center. Sa Welcome at Opening  Remark, si Philip Ibarra ang nagrepresent para kay Dr. Max P. Guillermo na siya ring nagbasa ng Rationale/ Mechanics ng forum at nagpakilala ng Panelists at Participant. Ipinaliwanag ni Dr. Trinidad  P. Trinidad, Nutrition Scientist-Consultant and Professional Lecturer 3, from the Graduate School of  University of Sto. Tomas, ang tungkol sa Sweetpotato: A good source of minerals, dietary fiber and phytonutrients. Si Dr. Daisy E. Tanafranca, Chief Science Research Specialist Packaging Technology Division, Industrial Technology Development Institute ng DOST ang nagpaliwanag hingil sa R&D initiatives  of the DOST Packaging Technology Division  on Sweetpotato.

Mga representative naman ng taga BPI ang nagpaliwanag tungkol sa New Improved Sweetpotato varieties at ang Administrative Order No. 2013 : Guidelines on Sweetpotato Planting Material Certification. Kinagabihan, nagkaroon ng Fellowship Night at Product Show, kasunod ang mensahe ng pasasalamat ni Dr. Lilibeth B.  Laranang, Sweetpotato Fiesta Coordinator.

Sa pangalawang araw, isinagawa ang Sweetpotato Field Day/Harvest Festival, na ginanap sa Sapang, Moncada, Tarlac. Ibinahagi ni Engr. Cesar L. Tabago, Chief Excecutive Officer ng Sapang Multipurpose Cooperative, ang tungkol sa Sweetpotato Production, Marketing at Enterprise Development, Isinalaysay nila ang naranasan ng Sapang Multipurpose Cooprerative: na ang lupa at pagtatanim ng kamote ay minana pa nila sa kanilang mga ninuno, na kung saan nawalan na sila ng pag-asa sa buhay matapos na sumabog ang Mount Pinatubo. Akala nila hindi na sila muling makapagtatanim ng kamote dahil ang kanilang lupain ay halos natambakan na ng lahar.  Ito pala ay napakalaking blessing para sa kanila, dahil ng subukan nila ulit itong tamnan ng kamote ay naging malago at naging lalong mataba ang lupa.

Ayon pa kay Engr. Tabago lalo pang umayos ang kanilang Kooperatiba matapos na pahiramin sila ng pondo ng World Bank para sa kanilang pangangailangan. Binibili naman ng San Miguel Corporation ang mga reject na sweetpotato para ipakain sa mga hayop. Sa kasalukuyan meron ng savings o pondo ang kooperatiba na umaabot na sa P32 Million, ayon pa kay Tabago.(Click picture below to enlarge) (Photo by: Jimmy Camba)  

 

imageimageimageimageimageimageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/sweetpotato-fiesta-idinaos/