Dagupan Milo Marathon, Nasungkit ni Castañeto at Cardona

image

Dagupan City, Philippines, 17 July 2016 –Sa unang arangkada  ng  40th National MILO Marathon race na ginanap sa Dagupan, Pangasinan, umabot sa 9,300 ang nakatapos sa finish line. Sa nakaraang 39th National MILO Marathon na ginanap sa Dagupan ang naging first placer ay si Cesar Castañeto.

Sa ngayon sa male category, muli  na namang nasungkit ni Castañeto ang unang titulo sa 21k sa katatapos lang na unang race sa ika- 40th National MILO Marathon na ginanap sa Dagupan City. Sa female category si Lany Cardona naman ang naka sungkit ng unang titulo . Pareho silang nag-uwi ng tig P10,000 cash at tropeo, Sila ay maghihintay na lang sa gaganaping National Finals sa Iloilo sa December para mapagwagian ang  MILO Marathon King at Queen na titulo.

Si Castañeto ay nakapagtala sa oras na 01:11:23 para masungkit ang first place, samantalang si Julius Sermona (01:13:38) at Hernane Sore (01:14:56) para sa second and third place. Sa female category naman, si Cardona ay nakapagtala sa oras na 01:31:48, kasunod si Shane Acosta (01:42:27) para sa second place at Eunice Lata-an (01:44:11) sa third place.

Ibinahagi ng 27-anyos na si Castañeto ang kanyang karanasan sa training, kung paano siya hinubog, binigyan ng motivation ng dating MILO Marathon Queen na si Cristabel Martes. “I am grateful to all the motivation Cristabel has been giving me,” sabi ni Castañeto. “All her coaching, tips and advice has pushed me to focus and persevere in my training.” Si Castañeto ay dati nang tumatakbo sa National MILO Marathon mula pa noong nasa elementary pa lamang.

Ang 25-year-old naman na si Cardona ay isang full time runner mula sa Lingayen, suki na ng MILO Marathon, nanalo na ng first place sa Dagupan ng tatlong beses. Kapapanalo rin lang ng first place sa Phuket International Marathon nitong nakaraang June, Ayon kay Cardona, hindi nya inaasahan ang magiging panalo niya ngayon. “I was not expecting to win because I am not that prepared for this leg. I did not have enough time to train,” ayon pa kay Cardona. “I will now train for the Singapore Marathon and Hong Kong Marathon, which will also prepare me for the MILO Marathon National Finals in December.”

Ang susunod na qualifying leg ay gaganapin sa Tarlac sa July 24 bago sumapit sa Metro Manila (July 31), Batangas (August 7), Lucena (August 14), Naga (August 28), Tagbilaran (September 18), Cebu (September 25), Dumaguete (October 2), Davao (October 9), General Santos (October 16), Cagayan De Oro (October 23), at Butuan (October 30). Ang National Finals ay gaganapin sa darating na Disyembre 4 sa Iloilo City.(Click picture below to enlarge)

imageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/unang-arangkada-sa-dagupan-nasungkit-ni-castaeto-at-cardona/