UsapangSSS.ph, bukas na para sa online na katanungan ng mga miyembro

Inilunsad kamakailan ng Social Security System (SSS), katuwang ang Philippine Information Agency (PIA), ang official microsite na UsapangSSS.ph para makipag-ugnayan sa mga miyembro sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan at gawing madali ang talakayan online, hingil sa mga programa at serbisyong hatid ng SSS.

Nitong nakaraang  Mayo 2, binuksan at maaari nang bumisita ang mga rehistrado at hindi rehistradong miyembro ng SSS  sa UsapangSSS.ph. Magrehistro lamang ang mga interesadong gumamit bago sumali sa discussion board ng microsite. I-click lamang ang “register” button na nasa itaas na kanang bahagi ng web page, sumang-ayon sa mga patakaran at kundisyon ng site, at ibigay ang ilang impormasyon kagaya ng user name, email address, password at confirmation code na makikita sa ibabang bahagi ng web page. Matapos gumawa ng sariling account ay awtomatikong magpapadala ng activation key at web link ang online system upang komprirmahin na naging matagumpay ang pagrerehistro.

Makakapagbigay din ng impormasyon ang microsite ukol sa mga karaniwang katanungan sa SSS pati na rin ang mga tampok na online threads ng mga popular na paksa tungkol sa SSS gaya ng benepisyo, loans at iba pang mga serbisyo. Matapos ang account activation ay maaari nilang sundan ang mga pag-uusap sa discussion board, mag-post ng mga komento sa forum at magpadala ng pribadong mensahe sa forum administrator para sa karagdagang klaripikasyon at katanungan ukol sa SSS.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/usapangsss-ph-bukas-na-para-sa-online-na-katanungan-ng-mga-miyembro/