Taun-taon ginugunita ang National Hospital Week sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, ito ay batay na rin sa Presidential Proclamation 181. Sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ay “ospital kaagapay para sa malusog na isip at katawan tungo sa pagbabago”
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, layunin ng selebrasyon ito na mai-promote ang awareness tungkol sa mga programang pangkalusugan at ang mahalagang ginagampanan ng mga hospital sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang sektor sa komunidad, layunin nito na mapanatili ang malusog na lipunan at ng buong bansa.
Dito sa NCR, sinabi ni Dr. Imelda Mateo, Chairperson ng 2017 national hospital week celebration, na ilan sa pinaghandaang aktibidad ay ang exhibit na makikita sa lobby ng Lung Center of the Philippines, dito ipinapakita ang mga serbisyo ng hospital, pasilidad at mga ginagamit na equipments para gamutin ang isang pasyente. Kahapon naman ay nagsagawa ng summit ang mga director ng ibat’ibang hospital sa NCR, dito tinalakay ang mga health emergency preparedness.
Ngayong araw na ito ay isinagawa ang community based services sa mga kababayan natin sa Batasan Hills health center sa Q.C na dito ay nagkaloob sila ng libreng medical check up, diagnosis at libreng gamot. Ang selebrasyon ng National Hospital Week ay tatagal hanggang Agosto a dose, 2017.