PINAYAGAN ng Sandigangbayan ang kahilingan ni Sen. JV Ejercito na makabyahe ito sa ibayong dagat para sa isang official visit sa France, bilang bahagi ng kanyang trabaho sa pagka-senador ng bansa.
Sa desisyon ng 6th Division ng anti graft court, pinagbigyang makabyahe si Ejercito na tumungo sa France mula June 25 hanggang July 3 ngunit kailangan nitong magsumite ng mga kaukulang dokumento tulad ng kanyang official itinerary.
Sinubukan pa itong harangin ng Ombudsman at sinabing hindi maliwanag kung saan sa France magtutungo ang senador bagay na hindi ito pinakinggan ng mga mahistrado.
Si Ejercito ay nahaharap sa kasong technical malversation dahil sa paggamit ng 2.1 million pesos na calamity fund ng San Juan City government noong siya pa ang alklade para makabili ng mga armas.
Maliban sa pagpayag ng korte na makabyahe sa abroad ang senador, kinansela na rin ng mga mahistrado ang sanay nakatakdang pagdinig sa kanyang kaso sa Lunes, Hunyo 26 sa halip ay gagawin na ito sa Agosto 7, para resolbahin ang demurer evedince na inihain nito.
Pinagsusumite rin ng korte ang senador ng mga kaukulang dokumento sakaling makabalik na ito ng bansa mula sa kanyang official trip sa bansang France.