SINABI ni NFA Asst Spokesman Rebecca Olarte, na nagtungo ang kanilang team sa bahay ni Rafael Furo Franco sa #006 Felipe St Lower Bicutan Taguig City upang alamin ang tunay na kwento ng kanyang inilagay na fake rice.
Kumuha ng sample ng bigas at kanin ang NFA Kay Franco at agad itong dinala sa Food Development Center ng NFA sa Taguig City para sa laboratory analysis.
Ito ay upang malaman kung Totoo bang bigas o may ibang inihalong sangkap para tumigas at maging mapanganib sa kalusugan.
Bagamat aabutin pa anya ng hanggang limang araw ang testing sa nasabing bigas na kinuha Kay Franco ay nasisiguro nila na tunay na bigas ang iprinisinta sa mga inbestigador ng NFA. Ayon pa kay Olarte sa mga darating na araw ay maglalabas ng statement ang NFA tungkol dito.
Maliban Kay Franco sa Taguig City, nakatanggap din ng kaparehong report ang NFA sa isang rice consumer sa Commonwealth Quezon City na umanoy nakakuha rin ng fake rice.
Ayon Kay Olarte, sa inisyal na pagsisiyasat ng NFA, walang fake rice na nakakalat sa merkado at mga Bigasang Bayan.
Regular umanong nagsasagawa ng monitoring ang NFA sa mga palengke at Bigasang Bayan upang matiyak na ligtas ang mga ibinebentang bigas.