image

Nagsagawa ng pagpupulong ang Columbian Year Officers 2017-2018 ng Knights of Columbus Council 10695 ng Parish of the Holy Cross, Gen. T. de Leon Valenzuela City na ginanap sa Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City nitong nakaraang buwan ng Hunyo mula 25, 26 at 27,  2017.

Pinangunahan ni Grand Knight Aquilino Viernes, Jr. at Sir Knight Enrico Demetillo, Deputy Grand Knight ang panimulang sesyon na ginanap sa Ground Floor Meeting Room ng nabanggit na hotel sa ganap na alas 10:30 ng umaga . Si PGK Bernardo Bondoc, Jr. ang namuno sa Pambungad na Panalangin na sinundan ng pag-awit ni SK Weng Dimaano ng Lupang Hinirang kasabay ang lahat ng Worthy Officers.

Si PGK Sammy de la Cruz, Council Adviser ang nanguna naman sa pag welcome sa mga pangunahing tagapagsalita at mga bisita , kanyang binati ang kasalukuyang pamunuan bilang 26thset of Officers of Council 10695. Sinabi nito, na maging makabuluhan ang pagiging leader ng mga ito at inaasahan niyang magbubunga ng maganda ang lahat ng magiging accomplishment ng konseho.

“Considered the Team Building as the most important event by the Council compared Council 10695 team building as the1stteam of Officers landing in Cebu just like Year 1521 Cebu landing of Magellan” ayon kay PGK Bernardo Bondoc, Jr., Council Advocate. Samantalang pahayag naman ni PGK Ronald Antonio, Trustee/FN, na himayin ang mga mabubuong paglilingkod at ipagpatuloy umano ang magandang gawain at adhikain ng bawat isa. Binati at pinasalamatan naman ni GK Viernes ang lahat ng dumalo, at kanyang hiling sa lahat ng mga bagong opisyales na magkaisa sa lahat ng gampanin at proyekto, panatiliin ang harmonious relationship ng bawat isa.“I’m very happy for the realization of the Planning/Team Building Session and thank all participants including Lady Knights for their support, cooperation and understanding” ayon naman kay DGK Eric na siya ring Service Program Director.

Maganda ang naging resulta ng planning sa ginanap na  teambuilding sa Cebu. Sinabi ni Andy Ong, hepe ng Knight Riders, ginawa ni Deputy Eric ang lahat para sa ikagaganda ng bawat proyekto na kanilang tinalakay sa ginanap na pulong.

Sa unang araw ng pagpupulong ng konseho ginanap ang Fellowship hour kasama ang Cebu KC Councils, District and Visayas Jurisdiction. Ipinakita naman ni SK Erning Francisco sa pamamagitan ng Power Point ang bagong Holy Cross Parish Pastoral Organizational Chart kalakip ang ibang units o affiliate groups sa ilalim ng kanilang Commission/Ministries. Kabilang din sa tinalakay ay ang kahalagahan ng Parish Kawan Projects na hinihiling ang KC members na suportahan ang Kawan leaders tulad ng pakikiisa at sumama sa pag tulong sa Kawan activities/projects.

Sa ikalawang araw, nagkaroon sila ng panahon upang malibot ang ilang magagandang lugar sa Cebu. Kabilang dito ang Oslob Whale Watching at Kawasan Falls. Ang kanilang huling araw ay ang City tour sa Tops, Temple of Leah, House of Lechon, ang pagbisita’t pagdarasal sa Sto Nino Church at huling tinungo ng grupo ang Magellan Shrine, Tabuan.

Ang set of officers ng KC 10695 ay binubuo nina: Grand Knight Aquilino Viernes Jr., Deputy Grand Knight Enrico Demetillo, Treasurer Rodel Antonio, Financial Secretary Alexander Aquino, Recorder Moises Almanon, Jr., Advocate , Trustee Rhoel Delos Santos PGK, Inside Guard Mario Malabanan (Asst. Church Director), Outside Guard Bernie Cruz at Raul Agripa. Council Adviser Sammy dela Cruz, Asst. Program Director Noel Cruz, Council Director Armando Vergara, Asst. Council Director Genaro Mejia, Church Director Antonio Leobrera, Family Director Manolito Matibag, Culture of life Director Ernesto Dimaano, Jr., Youth Director Renante Navat, Community Director Edwardo Matos, Asst. Community Director Rolando “Zell” de la Cruz, Asst. Sports Director John Eric Buiza. Spiritual Formation Director Ernesto Francisco, Membership Director Ramon Lazaro, Media Director Ernesto Herrera, Asst. Media Director Mel Espiritu, and Knights Rider Coordinators Andres Ong and Rey Mabamba.

image

image

image