Manila, July 30, 2017 – Pinangunahan ng 2 bagong runner na sina Rafael Piscos (Male) at Cinderalla Lorenzo (Female) ang 42k Race ng 41st National MILO Marathon leg 3 na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Pasay City, Manila.
Sa Male division, nanguna si Rafael Pescos sa 42k race sa oras na 2:38:27 na sinigundahan naman ni Erick Panique (2:43:10) at pumagatlo si Noel Tillor (2:47:31).
Bagong mukha, ang 23 years old na si Rafael Piscos na isang Cebuano ang nanguna sa 42K Race sa ika-41st National MILO Marathon Leg 3 na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Pasay City, Manila. Last year, tumakbo na rin si Piscos sa ginanap na National finals sa Iloilo na kung saan hindi siya nakakuha ng anumang papremyo dahil sa pagkakaroon ng sakit bago pa man tumakbo, pero talagang gusto niyang patunayan sa kaniyang sarili na kaya niyang manalo. Kung kaya’t masinsinan ang ginawa nitong paghahanda sa loob ng anim na buwan para sa pagsabak niya sa Manila National MILO Marathon Competion. Kahit hindi umano siya pamilyar sa ruta sa Maynila, talagang pinilit niyang makarating sa finish line at manalo. Siniguro rin ni Pescos na masusungkit niya ang korona sa huling Race o National Finals na gaganapin sa Cebu sa darating na December 3, 2017, kailangan lang umano ang masinsinang practice at determinasyon.
Si Cinderalla Lorenzo naman sa Female division ang nanguna at nagtala sa oras na 3:16:15, pumangalawa si Lany Cardona (3:23:38) at pumangatlo si Lizane Abella (3:29:48). Ayon kay Lorenzo na isang ina, 28 years old, ito ang kauna-unahang niyang paktakbo sa 42K Race na kung saan siya ay nagwagi. “Ang training ay simple lang, pero kailangan ang sakripisyo, pagtitiyaga at disiplina sa sarili. Narating ko at nakamit ang tagumpay ko ngayon kasama ang aking anak na tumakbo rin sa 3K Race,” ayon pa kay Lorenzo. “Inspirasyon ko ngayon ang aking asawa na siya ko ring coach, at ang aking pamilya,” dagdag pa nito.
Ayon naman kay Andrew Neri, Sports Marketing, RUNRIO, masasabing tagumpay umano ang ginanap na 41st MILO Marathon na ginanap sa Mall of Asia Pasay City, Manila, ngayon, na isa umanong blessing na naki-ayon ang magandang panahon dahil sa isang lingo halos na pag-ulan na may kasama pang bagyo ang naranasan. Dagdag pa nito, na mas marami ang nakilahok ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, dahil sa 3k Race pa lamang ay umabot na sa 1,902, sa 5k Race umabot naman ito sa 22,329, lalong nakakamangha umano dahil sa 10k Race na dating mababa ang bilang noong nakaraang taon, umabot na ito sa 3,624, samantalang sa 21k Race may bilang naman ito ng 2,068 at sa 42k Race umabot ito ng 2,322, sa kabuoang bilang umabot ito ng 32, 245, ayon pa kay Neri.
Samantala, sa 21k Race (Male category) si Gregg Vincent Osorio ang nanguna sa oras na 1:16:00, pumangalawa si Ferdi Miras (1:23:55) at pumagatlo si Micheal Icao (1:25:36). Sa (Female Category) nanguna naman si Jhanine Mansueto sa oras na 1:35:00, pumangalawa si Maricar Camacho (1:36:04) at pumagatlo si Angela Lara Garcia (1:43:50).
Sa 10k Race (Male Category), nasungkit naman ni Jackson Kiprotich Chirchir ang unang puwesto sa oras na 0:31:59, pumangalawa naman si Alexander Melly (0:32:53) at ang pangatlo si Elphiz Kipngeticmkiptaruz (0:34:31). Sa (Female Category), si Diane Klein Ong ang nakakuha ng unang titulo sa oras na 0:46:57, sinigundahan naman ito ni Lhyra Maymendoza (0:48:58) at pumagatlo si Mae Dellomas (0:49:20). (Photo by: Jimmy Camba)
Masayang nakilahok sa 5K Race ang pamilyang ito sa idinaos na National Milo Marathon na ginanap sa Mall of Asia (MOA)Pasay City, Manila kamakailan. ( Jun P. Nicolas )