Author: Raffy Rico

Ika-19 Taon ng Debosyon sa Our Lady of Caysasay–Marikina, Ipinagdiwang sa St. Joseph Shrine

Daan-daang deboto ang dumalo sa ika-19 na anibersaryo ng debosyon sa Our Lady of Caysasay–Marikina Chapter noong Hulyo 5, na ginanap sa St. Joseph Shrine sa ilalim ng Diyosesis ng Cubao. Pinamunuan ang banal na misa nina Obispo Emeritus Teodoro Bacani Jr. ng Novaliches at Obispo Emeritus Deogracias Iñiguez ng Kalookan, kasama ang buong kaparian ng Cubao. Nakiisa sa pagdiriwang ang mga samahan ng simbahan ng St. Joseph Shrine, gayundin ang mga deboto mula sa Marikina, Pasig, San Juan, at iba pang kalapit na lungsod. Sa kanyang homiliya, ibinahagi ni Obispo Bacani ang kasaysayan ng Mahal na Birhen ng...

Read More

Panukala ni Cong. Marcy Teodoro: High-Tech na Pampublikong Paaralan para sa Makabagong Edukasyon

Isinusulong ni Marikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro ang paggamit ng teknolohiya sa mga pampublikong paaralan upang matiyak na ang bawat batang Pilipino ay may kakayahang makasabay sa digital na panahon. Sa pamamagitan ng panukalang batas na inihain niya sa Kongreso, layunin ni Teodoro na gawing mas moderno, mas accessible, at mas inklusibo ang edukasyon para sa lahat. Noong Hulyo 2, inihain ni Teodoro ang House Bill No. 1255 na naglalayong magtatag ng Public Schools of the Future in Technology (PSOFT). Layunin ng panukalang ito na tugunan ang kakulangan sa access sa digital tools tulad ng laptops, internet,...

Read More

Panawagan ng Kababaihan: Gabriela Iproklama, Duterte Youth I-diskwalipika

QUEZON CITY — Nanawagan ang mga grupo ng kababaihan nitong Hulyo 1 sa Commission on Elections (Comelec) na iproklama na ang Gabriela Partylist at i-diskwalipika ang Duterte Youth Partylist. Sa isang press conference sa Kamuning Bakery Café na pinangunahan ni Clarice Palce ng BABAE Para sa InangBayan (BIBA), lumahok ang Gabriela Women’s Party at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan upang talakayin ang kakulangan sa representasyon ng kababaihan sa 20th Congress. Giit ni Palce, hindi dapat mawala ang boses ng kababaihan sa Kongreso. Dapat na raw i-disqualify ang Duterte Youth at agad iproklama ang Gabriela Partylist. Ipinamalas ng feminist artist na...

Read More

Kamanggagawa Partylist Nanguna sa Paghahain ng Mga Panukalang Panggawa sa Unang Araw ng Kongreso

QUEZON CITY — Sa unang araw ng 20th Congress, agad naghain ng sampung panukala ang Kamanggagawa Partylist na pinangungunahan ng labor leader at unang beses na kongresista na si Rep. Eli San Fernando. Layunin ng mga ito ang itaguyod ang katarungan sa sahod, karapatang-paggawa, at disenteng trabaho para sa lahat ng manggagawang Pilipino. Ayon kay Rep. Eli, “Hindi lang ito mga papel. Ito ang bunga ng matagal nang pakikibaka ng mga manggagawa para mapakinggan at maprotektahan. Mula kalsada, ngayon ay dinadala na natin ang laban sa loob ng Kongreso.” Pangunahing panukala ng Kamanggagawa ang National Minimum Wage Act na...

Read More

Bagong Pamunuan ng Mandaluyong, Pormal nang Nanumpa sa Tungkulin

MANDALUYONG CITY — Noong Lunes, Hunyo 30, 2025, idinaos ang pormal na seremonya ng panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Lungsod ng Mandaluyong sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) sa Barangay Addition Hills, bilang opisyal na pagsisimula ng kanilang panunungkulan sa lungsod. Pinangunahan ni outgoing Mayor Benjamin “Ben” Abalos ang seremonya bilang inducting officer. Dinaluhan ito ng mga kaanak at pamilya ng mga opisyal, mga empleyado at opisyal ng pamahalaang lungsod, at ilang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay ng Mandaluyong. Ang programa ay nagsimula dakong alas-8 ng umaga, na sinundan ng...

Read More

Interim Release ni Duterte, Tinutulan ni Atty. Conti at ng ICC Prosecution

SAN JUAN CITY — Nilinaw ni Atty. Cristina Conti ng International Criminal Court (ICC) na hindi pa tumatanggi ang Belgium bilang third country host kung sakaling payagan ang pansamantalang pagpapalaya (interim release) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs na umano’y ikinasawi ng mahigit 6,000 inosente. Tinutulan ni Atty. Conti at ng ICC Prosecution ang hiling na interim release dahil sa banta ng pagtakas, batay sa naunang arrest warrant na inilabas noong Marso 7, 2025, at ipinatupad sa Pilipinas noong Marso 11. Sa isang media forum, sinabi...

Read More

KatHABI Fashion Show, Tampok ang Hybrid na Abaca, Bilang Pagdiriwang ng 50 Taon ng IPB

MANILA HOTEL — Ipinagdiwang ng Department of Science and Technology–Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) nitong Huwebes, Hunyo 26, ang Ika-50 Anibersaryo ng Institute of Plant Breeding (IPB) ng College of Agriculture and Food Science (CAFS), University of the Philippines Los Baños (UPLB). Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang KatHABI: Fashion Innovation Show x IPB Abaca Hybrid, na inorganisa sa pagtutulungan ng IPB-UPLB, Department of Science and Technology–Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), at DOST-PTRI. Naging panauhing pandangal sa okasyon si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos. Dumalo rin sa event sina National Scientist Dr....

Read More

COMELEC Kinilala ang Pagkapanalo ng Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina

MARIKINA CITY — Nagpahayag si Congressman-elect Marcy Teodoro nitong Huwebes, Hunyo 26, na  kasunod ng desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc na nagbigay-daan sa kanyang proklamasyon. Kinikilala na ng COMELEC En Banc ang pagiging lehitimo ng kanyang kandidatura bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina matapos aprubahan ang mga inihain niyang Consolidated Motions for Reconsideration. Ayon sa desisyon, walang nakitang anumang mali o mapanlinlang na impormasyon sa kanyang Certificate of Candidacy (COC). Pinatunayan din ng COMELEC na hindi niya iniwan ang kanyang tahanan o “domicile” sa Unang Distrito at napatunayan ang kanyang aktuwal at pisikal na paninirahan...

Read More

PAPI, May Bagong Hanay ng mga Opisyal para sa 2025–2028

MAYNILA, PILIPINAS — Nagsagawa ng eleksiyon ang Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), isa sa mga pinakamatatanda at pinakamalalaking media organization sa bansa, upang italaga ang bagong hanay ng mga opisyal para sa termino ng 2025 hanggang 2028. Ginanap ang halalan noong Hunyo 24, 2025, sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Bagong Halal na Opisyal ng PAPI: Pangulo: Rebecca M. Velasquez (dating Executive VP), Pulso ng Makabagong Caviteño Executive Vice President: Ian Junio, Hyperland News Publishing Bise Presidente para sa Luzon: Alma Omilig Ochotorena (muling nahalal), News Syndicate Digest Bise Presidente para sa Visayas: Danilo N. Silvestrece,...

Read More

MMDA, Angkas Nagpulong; Pilot Lane sa Commonwealth Inanunsyo

Hunyo 20, 2025 | Maynila, Pilipinas — Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Angkas ang isang mahalagang dayalogo kasama ang mga motorcycle riders at iba’t ibang grupo mula sa sektor ng motorsiklo upang talakayin ang mga isyung may kaugnayan sa transportasyon. Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod: Paglalaan ng motorcycle lanes Pagsasama ng motorcycle at bike lanes Implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) Ang pagpupulong, na inorganisa ng Angkas, ay dinaluhan ng motorcycle taxi platforms, delivery riders, mga safety advocates, malalaking motorcycle clubs, at motorcycle rights organizations. Isa ito sa pinaka-inclusive na pagtitipon ng riding community....

Read More