Author: Raffy Rico

Unang Ginang at dating Unang Ginang Marcos bumisita sa Marikina Shoe Musium

Bumisita sina Unang Ginang Louise “Liza” Araneta Marcos at dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa Shoe Museum sa Marikina para sa muling pagbubukas nito. Sila ang naging panauhing pandangal sa naturang okasyon. Ang muling pagbubukas ng museo ay nagsimula sa isang ribbon-cutting ceremony na dinaluhan din nina Special Envoy to the United Arab Emirates Kat Pimentel, Congresswoman Maan Teodoro, at Mayor Marcy Teodoro. Pagkatapos ng seremonya, nilibot ng mga panauhin ang bagong ayos na Shoe Museum. Tampok dito ang 800 pares ng sapatos ni Former First Lady Imelda Marcos, mga sapatos ng mga dating pangulo, senador, miyembro ng...

Read More

Mga Dating Heneral at Opisyal ng AFP, PNP Suportado ang Pagtakbo ni Querubin sa Senado

SAN JUAN CITY – Nagpahayag ng suporta ang mga dating pinuno at opisyal ng AFP at PNP mula sa iba’t ibang administrasyon (Arroyo, Aquino, Duterte, at Marcos) para sa pagtakbo sa Senado ni Col. (Ret.) Ariel Querubin. Naganap ang pagtitipon sa Club Filipino noong Hulyo 8 upang ipakita ang kanilang pagkakaisa at pag-endorso kay Querubin, na kilala rin bilang “Push-Up Man,” sa gitna ng mga isyu sa West Philippine Sea at pambansang seguridad. Sa event na pinamagatang “A Gathering of Warriors,” mahigit 2,000 dating heneral at opisyal ng AFP at PNP ang pumirma ng manifesto para suportahan si Querubin....

Read More

Taunang Back-to-School Shoe Bazaar sa Marikina, Bukas na!

Pormal nang binuksan ang taunang Balik Eskwela Shoe Bazaar sa Marikina, nitong Lunes, Hulyo 8. Tampok sa nasabing bazaar ang 43 stall ng mga produktong yari sa balat at magtatagal ito hanggang Agosto 18, 2024. Matatagpuan ang shoe bazaar sa Marikina Freedom Park, sa tapat mismo ng City Hall. Layunin ng programang ito na magbigay ng dekalidad at abot-kayang sapatos sa presyong pabrika, ito ay para sa mga estudyante at kanilang pamilya bilang paghahanda sa darating na pasukan. Pinangunahan ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, mga konsehal ng Marikina City at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang ribbon-cutting ceremony...

Read More

DOST Undersecretary Mabborang Tumanggap ng Gintong Medalya mula sa Pamahalaan

ISA sa ginawaran ng Gintong Medalya para sa Pagseserbisyo sa Pamahalaan si DOST Undersecretary for Regional Operations Engr. Sancho A. Mabborang. Ang parangal na ito ay pagkilala sa mga natatanging Cagayano para sa kanilang talino, integridad, tiyaga, sigasig, serbisyo, at dedikasyon sa paglilingkod sa pamahalaan. Ang parangal na ito ay patunay ng kanyang dedikasyon at pagmamahal sa pagbuo ng bansa. Siya ay naglingkod sa iba’t ibang komunidad ng mahusay, lumampas pa sa kanyang tungkulin, at naging inspirasyon sa kanyang mga kasama at kapwa ang pagtutok sa makabagong agham, teknolohiya, at inobasyon. “Bilang isang Cagayano, ang parangal na ito ay...

Read More

Sen. Robin Padilla Bibida sa Pelikula Batay sa Buhay ni Ex-Sen. Gringo Honasan

Gaganap bilang pangunahing bida si Senador Robinhood “Robin” Padilla sa paparating na pelikulang “Gringo.” Tampok ang buhay ng dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan, isang dating rebelde at naging Kalihim ng Information and Communication Technology (DICT). Sa ginanap na press conference kamakailan, inanunsyo na nakatakdang simulan ang paggawa ng pelikula sa Hulyo 8. Kasama sa press conference sina Scriptwriter Eric Ramos at Executive Producer Sec. Mike Defensor. Ayon kay Ramos, karangalan ang isulat ang biopic ni Sen. Honasan. Si Ramos rin ang sumulat ng pelikulang “Mamasapano. “Binanggit ni Ramos na parehong nagtapos sa Philippine Military Academy sina Sen. Honasan at...

Read More

5K Mandaleño Tumanggap ng Libreng Serbisyo Medikal sa Lab For All

Libreng medikal at pisikal na eksaminasyon, konsultasyon, gamot, at mga pangunahing laboratory test ang natanggap ng 5,000 residente ng Lungsod ng Mandaluyong sa ilalim ng “Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat” ng National Government. Ang espesyal na PRIDE edition ng programa ay pinangunahan ng Unang Ginang Liza Marcos at ilang miyembro ng gabinete, kasama sina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos. Ginawa ito sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) Gymnasium noong Lunes, June 24. Dumalo rin sa programa sina: DILG Secretary Benhur Abalos, PhilHealth President at CEO Emmanuel, Ledesma, Pag-lBIG Fund...

Read More

PSFM, Nanguna sa Kampanya Laban sa Nicotine Addiction ng Kabataan

Sa paggunita ng “National No Smoking Month” ngayong Hunyo at matapos maulat ang unang pagkamatay na may kaugnayan sa paggamit ng vape sa bansa, nanguna ang Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) sa isang aktibidad na naglalayong maiwasan ang nicotine addiction sa kabataan. Sa programa na ginanap sa Tondo, Manila, nagtipon ang iba’t ibang organisasyon at mahigit 70 magulang upang palawakin ang kamalayan ng mga batang Manileño tungkol sa mga panganib ng paninigarilyo at vaping. Ayon kay Rizza Duro, National Coordinator ng PSFM, ang unang “vape-related death” ay nagpapakita ng pangangailangan na tutukan ng mga lokal na pamahalaan ang isyu. “Ang...

Read More

KALAYAAN SA KAGUTUMAN/ARAW NG KALAYAAN JOB FAIR

KALAYAAN SA KAGUTUMAN: Ang inisyatiba na isinasagawa ng gobyerno upang tugunan ang patuloy na kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kagutuman. Ang mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura, ay tinalakay ng mga opisyal mula sa Ehekutibong Sangay (Executive branch) ng gobyerno at ng sektor ng agrikultura sa “Huntahan” Media Forum na may temang: “Kalayaan sa Kagutuman. ” Sa pakikipagtulungan ng Unigrow Philippines na pinangungunahan ni Toto Ylagan (kaliwa) at Jesse Las Marias (pangalawa sa kanan), ito ay ginanap sa Max’s Restaurant sa loob ng Quezon Memorial Circle, sa Quezon City, noong Miyerkules (Hunyo 12, 2024), ika-126 na Araw...

Read More

16 na Opisyal at Tauhan ng NCRPO Tumanggap ng Medalya ng Katangi-tanging Gawa at Kadakilaan

Binigyan ng pagkilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 16 na opisyal at mga tauhan na nagpakita ng kagalingan sa pagresolba ng iba’t ibang uri ng krimen sa kanilang operasyon na ginanap sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ngayong taon. Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil ang pagbibigay ng Medalya ng Katangi-tanging Gawa at Medalya ng Kadakilaan sa mga piling opisyal ng pulis at tauhan mula sa iba’t ibang unit ng NCRPO. Kinilala ang mga tumanggap ng Medalya ng Katangi-tanging Gawa sina: NCRPO Chief PMGEN Jose Melencio Nartatez Jr.; RID Chief PCOL...

Read More

Pagtakbo ni Honasan sa Senado, Nakasalalay sa Pag-apruba ng Partido

Pinangunahan ni dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan ang paglulunsad ng Reform PH Party, kasabay ang National Council Affirmation noong Lunes (Hunyo 10) na ginanap sa Club Filipino, Brgy. Greenhills, San Juan city. Dumalo sa nasabing pagtitipon si dating Senador at ngayon ay Reform PH Party Chairman Gregorio “Gringo” Honasan, kasama sina Agriculture Assistant Secretary James Layug, dating Kongresista Willy Villarama, dating Kongresista Mike Defensor at maraming iba pa sa paglulunsad ng partido at council affirmation. Binanggit ni Layug, Pangulo ng Reform PH Party, na ang Pilipinas na binubuo ng 7,100 isla at may populasyon na 110 milyon, ay mayaman...

Read More