Author: Raffy Rico

Bise Alkalde Calderon, Tatakbo Muli Bilang Alkalde sa Halalan 2025

PASIG CITY – Ipinahayag ni Angono Vice Mayor Gerardo V. Calderon nitong Miyerkules (Okt. 23) na ang kanilang pamahalaan ay nakatuon sa isang bayan na tahimik, payapa, at may participatory governance. Tatakbong  muli si Calderon bilang Mayor ng Angono sa darating na Mayo 12, 2025. Sa Kapihan sa Metro East Media Forum na inorganisa ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps at suportado ng Pinoy Ako Advocacy group, sinabi ni Calderon na ang kasalukuyang pamahalaang bayan ay ipinagpapatuloy ni Mayor Jeri Mae F. Calderon. Simula nang maging mayor noong 1989, binago ni Calderon ang Angono mula sa pagiging masikip at bahaing bayan....

Read More

NCRPO Ipinakilala na ang Digital na Paraan sa Pagsugpo ng Krimen

Sinimulan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PMGen Sidney Hernia, ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang labanan ang krimen sa Metro Manila. Sa isinagawang Flag Raising and Awarding Ceremonies sa Camp Bagong Diwa ngayong umaga (Oct. 21), inanunsyo ni Hernia ang mga bagong command guidelines na kailangang sundin ng mga pulis sa NCRPO. Ang bagong sistema ay kinabibilangan ng dalawang digital systems: ang Electronic Daily Personnel Accounting System (EDPAS) at ang Law Enforcement Reporting Information System (LERIS). EDPAS: Ang sistemang ito ay nangangailangan ng lahat ng pulis na gumamit ng isang device o gadget upang mag-log...

Read More

PADER Lumagda sa Manipesto ng Suporta para sa Administrasyon ni PBBM

Quezon City—Inilunsad ang bagong tatag na People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) upang suportahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM). Ang naturang aktibidad ay ginanap ngayong Biyernes, Oktubre 18, sa isang restawran sa Quezon City Memorial Circle. Sa pagtitipon, limampung (50) lider mula sa iba’t ibang alyansa at multisectoral groups ang lumagda sa isang manipesto na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa pamumuno ni PBBM. Layunin ng manipesto na kilalanin at ipagmalaki ang mga programang nasimulan ng Pangulo na naglalayong makamit ang tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran tungo sa isang Bagong Pilipinas. “Ang ating makasaysayang pagkakaisa...

Read More

MGA PULIS DAPAT TECHY!

LARGA! Column by: Irwin Corpuz Ito ang tinuran ni NEWLY NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) DIRECTOR, MAJOR GENERAL SIDNEY HERNIA sa naging talumpati niya matapos pangasiwaan ang OATH TAKING ng mga bagong opisyales ng NCRPO PRESS ASSOCIATION nitong Martes (October  15, 2024) na ginanap sa CAMP BAGONG DIWA, BICUTAN, TAGUIG CITY.., na ang lahat ng mga pulis ay marapat  na maging knowledgeable sa teknolohiya para sa mabilis na pagresponde sa mga gampanin ng ating LAW ENFORCERS. Para sa ating mga mambabasa.., ang kahulugan ng salitang TECHY ay ipinatutungkol sa taong marunong o bihasa sa larangan ng sopistikadong teknolohiya..,...

Read More

Pagbubukas ng Ika-26 Likha ng Central Luzon Trade Fair sa SM Megamall

MANDALUYONG CITY — Pormal na binuksan ang ika-26 na Likha ng Central Luzon Trade Fair sa SM Megamall Megatrade Hall 2 noong Miyerkules, Oktubre 16, at magtatagal ito ng limang araw mula Oktubre 16 hanggang 20. Ang trade fair ay may temang “Sustainable and Innovative Products, Proudly Tatak Pinoy!” at ito ay isang proyekto ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang SM Megatrade Hall, PhilExports, CLGCFI, at Regional Development Council-3. Sa loob ng limang araw, maraming aktibidad ang magaganap sa trade fair. May mga nakatalagang safety officers mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 20 upang masiguro ang kaligtasan...

Read More

World Pandesal Day: Sen. Imee Marcos at Panfilo Lacson, mga Bisita sa Kamuning Bakery Cafe

QUEZON CITY – Noong Miyerkules, Oktubre 16, ipinagdiwang ang “World Pandesal Day” sa Kamuning Bakery Cafe, na dinaluhan ni Senador Imee Marcos at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson. Sa nasabing okasyon, namahagi sila ng 100,000 pandesal at iba pang pagkain sa mga pamilyang mahihirap at mga ampunan sa Quezon City. Ang taunang selebrasyon ay pinangunahan nina Marcos at Lacson, kasama ang iba pang kilalang personalidad, na naglalayong bigyan ng solusyon ang problema sa gutom at ang pangangailangan ng ilang sektor ng lipunan. Sa ginanap na Pandesal Forum, binigyang-diin ni Marcos na bagama’t independent candidate siya, may alyansa siya sa...

Read More

Maj. Gen. Hernia Pinanumpa ang mga Bagong Opisyal ng NCRPO Press Association

CAMP BAGONG DIWA – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-4 na anibersaryo ng NCRPO Press Association, pinanumpa ni NCRPO Regional Director Maj. Gen. Sidney S. Hernia ang mga bagong halal na opisyal at direktor ng samahan. Ito ay ginanap noong Martes, Oktubre 15, sa Conference Room ng NCRPO, Camp Bagong Diwa, Taguig City. Narito ang mga bagong halal na opisyal ng NCRPO Press Association: Pangulo: Lea Botones Pangalawang Pangulo: Neil Alcober Kalihim: Nep Castillo Ingat-Yaman: Irwin Corpuz Sergeants-at-Arms: Raffy Rico at Fred Salcedo PRO: knots Alforte Kasama rin sa mga direktor sina Gina Plenago, Nolan Ariola, Joseph Muego, Jojo Sadiwa,...

Read More

Sarah Discaya Nangako ng Kalusugan, Edukasyon, at Pabahay sa Pagka-Mayor ng Pasig

PASIG CITY – Noong Oktubre 11, inanunsyo ni Cezarah “Ate Sarah” Discaya, isang negosyante at pilantropo, na ang kanyang mga pangunahing programa kung siya ay mahalal bilang alkalde ng Pasig ay tututok sa kalusugan, pabahay, at edukasyon. Sa isang press conference na ginanap sa St. Gerrard Corporation sa Barangay Bambang, sinabi ni Discaya na ang kalusugan ang magiging pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon. Ibinahagi niyang marami ang lumalapit para sa libreng gamot, CT scan, at MRI, kaya’t itutuon niya ang pansin sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Pasigueño. Isa rin sa mga layunin ni Discaya ang pabahay...

Read More

Filipino Inventor, Tawa-Tawa Ligtas at Epektibo Laban sa Dengue

PASIG CITY – Ayon kay Philip Cruz, pangulo ng Herbanext Laboratory sa Bacolod City, halos ngayon lang sila nakakaranas ng kita matapos ang 25 taon sa negosyo. Nagsimula sila sa industriya ng aquaculture, ngunit noong 2006, nagdesisyon siyang tumutok sa herbaculture dahil sa potensyal nito. Sa kasalukuyan, may 130 empleyado ang kumpanya. Sa ginanap na “Kapihan sa Metro East Media Forum” na inorganisa ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps, binanggit ni Cruz na ang halamang Tawa-Tawa ay ginagamit na laban sa dengue sa loob ng 49 taon. Maraming Pilipino ang umaasa dito bilang lunas sa lagnat at dengue, kaya’t nag-focus sila...

Read More

Pormal na Pagtatalaga kay Maj. Gen. Sidney Hernia bilang NCRPO Chief

Opisyal nang umupo si Maj. Gen. Sidney Hernia bilang bagong pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang seremonya na ginanap noong Miyerkules, Oktubre 9, 2024, sa Camp Bagong Diwa, Lungsod ng Taguig. Pinalitan niya si Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na ngayon ay itinalaga bilang acting deputy chief for administration—ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa buong Philippine National Police (PNP). Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang seremonya ng pagpapalit ng tungkulin. Sa Hinirang Hall ng NCRPO, iniabot ni Maj. Gen. Nartatez kay Maj. Gen. Hernia ang pamumuno ng NCRPO. Matatandaang si...

Read More