“WALA”ako sa listahan ng Narco-Politician” Ito ang binigyan diin kahapon ni Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida matapos na mapag-alaman ng kanyang kampo na mayroong isinasagawang signature campaign sa kanilang bayan laban sa kanya na idinadawit bilang protector ng droga, upang mapasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo ‘Roa Duterte.

Sa isinagawang press conference, isiniwalat ni Marcaida sa mga mamamahayag ang inilabas na open letter laban sa kanya na naglalayon na palabasin na siya ay protector ng illegal drug activities sa kaniilang bayan.

“Dahil dito ay nagdulot ng labis na pag-alala at takot ang kanyang pamilya ,hinala niya na ang baka ang mga taong nasa likod nito ay may masamang binabalak sa akin o di kaya sa aking pamilya at palalabasin nila na ako ay isang narco-politician pero ang akin tignan muli ang mahabang listahan ng mga narco-politician na inilabas ng ating mahal na pangulo ay hindi ako kasama sa listahan,” paliwanag pa ni Marcaida.

Sinabi pa ng opisyal na siya ay bukas sakaling ibig na isailalim siya sa imbestigasyon ng PDEA, PNP o anumang ahensya para ma linis ang kanyang pangalan at upang mapatunayan na rin na isa lamang ‘demolition job’ ito ng kanyang kalaban sa pulitika.

Napagalaman na si Marcaida ay nakatakda muling umupo bilang alkalde ng Puerto Princesa makaraan na baguhin muli ng Ombudsman ang desisyon na suspension order laban kay Mayor Lucilo Bayron at gawing ‘Dismissal Order”.

Lumalabas na noong Nobyembre 18, 2016, pinasibak sa pwesto ng Ombudsman si Bayron dahil sa paglabag sa ‘Nepostism’ nang kanyang papasukin ang kanyang anak sa City Hall bilang empleyado.

Noong Marso, 2017, binago ng Ombusdman ang desisyon na dismissal kay Bayron at naging 3 months suspension na lamang subalit pagdating ng buwan ng Hulyo ay dismissal order muli ang inilbas ng ahensya sa alkalde matapos na malaman na nag-apela na pala  si Bayron sa Court of appeals.

“Naguguluhan tayo sa pabago-bagong desisyon na ito ng Ombudsman kung kaya’t ako ay nagtungo sa DILG upang malaman talaga kung ano ang talagang desisyon na kanilang hawak” pahayag pa ni Marcaida.