image

Inanunsiyo na ng Department of Science and Technology, Science and Technology Information Institute(DOST-STII) ang pagbibigay ng parangal sa mga mananalong Media Practitioners na mula sa Print, Radio, TV at Online sa darating na Setyembre 28, 2018. Ito ay gaganapin sa Philippine National Convention Center (PICC) Sa Vicente Sotto St., sa Pasay City.

Ang DOST- BANTOG “ The Science for the people Media Awards” ay ang kauna-unahang programa ng DOST na inilunsad nitong nakaraang Pebrero 26, taong kasalukuyan.

Layunin ng BANTOG Media awards ang mabigyan ng pagkilala ang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga Media Practitioners (Print, Radio, Televison at Online) sa Gobyerno at sa Pribadong sector, particular sa kontribusyon at pagsulong sa kahalagahan ng Agham at teknolohiya sa bansa.

Ang BANTOG Media Awards, ay bukas sa lahat ng national at regional media, na ang mga nominado ay kailangang Filipino, at ang nag mamay-ari ng kumpanya ay Filipino rin.

Para ma-qualify, ang mga artikulo ay kailangnang tunkol sa Science and Technolory at naipublish o naibalita noong Janaury 2017 hanggang March 2018.

Ang mga kategorya nito ay ang: Institutional Award, Professional Award (Media Practitioners), Regional Media Practitioner Award at Outstanding Information Officers Award.

Sa Institutional Category, ang mananalo ay makakatanggap lamang ng tropeo. Sa Profesional Category (TV, Radio, Print and Online) ang first prize ay  100k.  50K at 25K naman ang nakalaan sa second at third placer.  Para sa Regional Media Practitioner category, ang mananalo ay tatanggap ng 50k, at para naman sa DOST Outstanding Information Officer winners, ito ay tatanggap ng 30k para sa 1st prize, 20k 2nd Prize, and 10k para naman sa 3rd prize. Sa araw ng parangal mismo malalaman kung sino sino ang mga nagwagi.