Image result for coco water juice

Masasabing ang puno ng niyog ay makikita saan mang lugar sa Pilipinas particular sa mga probinsiya.

Ang bunga ng niyog ay maraming pakinabang, particular ang laman ng bunga nito na maaaring gawing pangata sa gulay ang katas nito, kapag malambot pa ang laman maaring gawing Buko salad, Ice Buko, Minatamis na buko, Buko ice cream at marami pang iba, maari ring gawing kopra naman sakaling matigas na ang laman nito para gawing Coconut oil.

Isa sa pinagtutuunan ng pansin ngayon ng ilang grupo ang sabaw ng sariwang bunga nito, na tinatawag natin sa English na buko water Juice, maraming pakinabang ang buko Juice o sabaw nito sa katawan ng tao, kaya nitong pawiin ang pagka uhaw ng isang tao, at may maganda rin itong dulot sa katawan ng tao.

Ayon kay Dr. Ofero Capariño ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech, mas matamis ng 5.5–6.5ᴼ Brix (deg-ree briks) ang sabaw ng buko o “young coconut” ngunit mas madami umanong benepisyong makukuha sa sabaw ng niyog o “mature coconut” dahil di umano sa taglay nitong electrolytes (e-lek-tro-layts) na kailangan ng katawan tulad ng, potassium (po-ta-syum), sodium (sodyum), magnesium (mag-ne-syum), calcium (kal-syum) at phosphorus (fos-fo-rus). Base sa resultang nakalap ng Food and Agriculture Organization Corporate Statistical Database o FAOSTAT noong 2016, ikalawa ang Pilipinas sa mga bansang nag  poproduce ng niyog sa buong mundo. Mahigit 13.83 bilyong niyog ang naproseso bilang copra at virgin coconut oil o VCO. Sinasabing maaaring makaipon ng higit sa dalawang bilyong litro ng coconut water juice kada taon.

Sinimulan ang proyektong “Development and Performance Evaluation of a Village Level Coconut Water Processing System” na kung saan nakakagawa ng dalawang libong coconut water na 350 mL mula sa dalawang libong niyog kada araw.

Nakipag-ugnayan si Dr. Capariño kay Dr. Gigi Calica, isang senior science research specialist mula sa PhilMech upang mabuo ang proyektong “Pilot Testing of Coconut Water Processing Enterprise” sa mga piling lugar sa bansa, na pinondohan ng Bureau of Agricultural Research o BAR sa pamamagitan ng National Technology Commercialization Program.

Ang proyekto ay nagbigay daan upang matuklasan ang paggawa ng concentrated at sterilized na coconut water. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa coco water, maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Ofero Capariño gamit ang kanyang email na ofero1058@yahoo.com (o-fe-ro 1-0-5-8 at ya-hu dot com) o kay Dr. Gigi Calica gamit ang kanyang email na gig_calica@yahoo.com (gig ander skor ca-li-ca at ya-hu dot com).

Image result for coco water juice