image

Masayang nagpakuha ng larawan ang mga kinatawan ng Nissan Philippines habang iniaabot Kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon kasama ang ilang opisyal ng Red Cross ang susi ng pick up na sasakyan.

Nissan Philippines nag donate ng  tatlong pick-up  sa Philippine Red Cross  na nagkakahalaga ng P4 million pesos. Masaya namang tinanggap ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon ang ibinigay ng Nissan Philippines, na kung saan ayon kay Sen. Gordon kanya itong ipapamahagi sa ibat-ibang chapters ng Red Cross. Ayon sa Senador, minsan na umano siyang sumakay sa isang sasakyan ng Red Cross sa lugar ng Mindanao na kung saan naranasan nya na sumakay sa isang lumang-luma ng service vehicle ng PRC, kung kaya agad umano niyang  ipapadala ang mga bagong pick up na mula sa Nissan Philippines.

Kasabay nito, nagbigay naman ng tulong para sa mga biktima ng taal ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na dati ring pinamumunoan ni Senador Richard Gordon, isang trak na naglalaman ng mga bottled water at mga bigas. Ayon sa Senador, nakaugalian na umano ng kanyang mga kababayan na Zambalenyos partikular sa Olongapo City ang tunay na malasakit sa kapwa lalo sa mga nangangailangan ng tulong. Ayon naman sa hindi na nagpakilala source “nagaya lang namin ito sa aming iniidolo na si Senador Richard Gordon na hanggang ngayon nagmamalasakit sa mga Pilipino”.

Binigyan naman ni Sen. Richard Gordon ng bagong ambulansya ang PRC Isabela Chapter, na kung saan mismong si Isabela Congressman Antonio Tonypet Albano ang tumanggap  para sa Isabela Chapter ng Philippine Red Cross sa Cagayan Valley. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Congressman Albano sa ibinigay na ambulansya, ito umano ay talagang kailangan ng kanilang probinsya, na kung saan kailan lamang ay dumanas sila ng matinding pagbaha, ayon pa kay Cong. Albano na siya ring Chapter Chairman ng Isabela..

Dagdag pa ni Gordon, na marami pa umanong darating na mga bagong ambulansya at ito ay agad nilang ibinibigay sa mga ibat-ibang chapter sa mga lalawigan partikular sa Visayas at Mindanao.

 image

Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na dating pinamumunoan ni Senador Richard Gordon, nag donate ng isang trak na naglalaman ng mga bottled water at mga bigas para sa mga biktima ng taal.

 

image

Tatlong bagong-bago na sasakyan mula sa Nissan Philippines ang idinonate sa Philippne Red Cross (PRC) para magamit ng ahensiya sa pagtulong sa mga nagangailangan.

 

image

Thumbs up habang nagkamayan sina PRC Chairman at Senator Richard Gordon at Isabela Congressman Antonio Tonypet Albano matapos tanggapin ang bagong-bago na ambulansya na bigay ng Philippine Red Cross (PRC) sa Isabela Chapter, Cagayan Valley.