Bilang punong bayan ng Tatay Rizal inamin ni Taytay Mayor Joric Gacula na positibo umano siya sa COVID 19. Ayon kay Mayor Gacula sa kanyang salaysay ngayong Linggo, na noong Martes ng umaga nakaramdam na siya ng pangangati ng lalamunan, ginaw, at sinat o tinatawag na slight fever. Agad umano siyang kumonsulta sa kanilang family doctor na si Dr. Sonny Uy, at pinayuhan umano siya nito na mag self-quarantine. Pangalawa binigyan din umano siya nito ng medication para sa kanyang mga nararamdaman at ang pangatlo, sinabihan umano siya ng kanilang Family Doctor na dahil meron daw siyang sintomas ng sakit dapat daw mag undergo siya COVID-19 test.
“Ngayong araw po ng linggo natanggap ko po ang email na ako daw po ay COVID-19 positive. Sabi pa po ng aking doctor nabibilang daw po ako dun sa tinatawag na may mild case ng COVID-19. Bakit po? Kasi nitong mga nakaraang biyernes wala na po ako nararamdaman na kahit ano (pangangati ng lalamunan o lagnat man lamang) hanggang ngayong araw po ng linggo wala na po ako nararamdaman, ako po ay normal na malakas ang aking katawan.”
“Subalit, dahil sa derektiba ng DOH kailangan ko pa rin pong mag self-quarantine,” ayon pa sa Alkalde bagamat di umano’y sa kanyang pag-iisa habang naka self quarantine naipagpatuloy pa rin umano niya ang kanyang trabaho at nakakaganap ng tungkulin habang siya ay nasa kanyang kwarto. “Binilin ko po, inutos sa ating municipal budget officer, sa ating treasurer, sa tulong po ng ating Vice Mayor at Sangguniang Bayan na patuloy ang pamimili ng mga groceries para ipamigay sa lahat ng Taytayeños.”
Ayon pa sa Alkalde na hindi matitigil ang pamimigay ng goods hanggat may krisis na ito. Ang Taytay Emergency Hospital ay patuloy na gagana ganundin po ang ating palengke ng bayan tuloy tuloy po ang ating serbisyo. Ganundin po sa contact tracing sa lahat ng aking nakasalamuha ay atin ng iniimpormahan ngayon hindi lamang nung ako’y nagkasintomas pero kahit nung wala pa ako sintomas at kayo ay nakasalamuha ko kayo ay kinakailangan din mag ingat at mag self-quarantine. “Napakaingat ko po ngunit dito makikita na walang pinipili ang sakit na ito. Nais ko po na magingat kayong lahat. ” ayon pa kay Gacula.
Sana po ipanalangin natin sa Maykapal na sana naman mawala na ang problema ng daigdig ng ating bansa at bayan ng Taytay. Makakaasa po kayo sa tuloy tuloy na serbisyo ng bayan. Pagkatapos ng problemang ito ako po ay magpapagawa ng resolusyon na bibigyan ng premyo o pabuya financial reward ang lahat ng frontliner na tumutulong laban sa covid 19.