image

Matapos ang pamimigay ng gulay, manok naman. Pinangunahan ni Department of Agriculture Assistant Secretary for Livestock William C. Medrano ang MOA signing para sa pagtatayo ng integrated urban gardens sa ilalim ng Plant, Plant, Plant-Urban Agriculture Program.

Limang barangay sa District II ng Quezon City ang nakatanggap ng starter kits mula sa DA. Kabilang sa mga ito ang Holy Spirit, Batasan Hills, Bagong Silangan, Commonwealth at Payatas. Ang pagsasanay ay pangungunahan ng DA Agricultural Training Institute. Samantala, ang mga alagaing manok ay manggagaling naman sa DA Bureau of Animal Industry.

Sa pangunguna ni Secretary William D. Dar, layunin ng programang Urban Agriculture Program na masiguro ang sapat at masustansyang pagkain para sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa panahon ngayon kung saan may kinakaharap na pagsubok laban sa Covid 19.