Namahagi ng ayuda sa bawat media organization ang dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na dati ring kilala bilang sikat na mga manunulat at broadcaster. Ang dalawang opisyal na sa kasalukuyan ay naka puwesto sa gobyerno ay sina: Presidencial Communications Operations Officer Secretary Martin Andanar at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Joel M. Sy Egco.
Personal na dinala at iniabot ng dalawang opisyal ang ayuda sa grupo ng PaMaMariSan- Rizal Press Corps, sa pangunguna ng Presidente ng grupo na si Neil Alcober ng Daily Tribune bilang Eastern beat reporter, kasama ang ilang opisyal nito sa pansamantalang opisina na matatagpuan sa San Juan City na siya ring opisina ng Noon Break Balita.
Ayon Kay USec. Egco, ang ipinamimigay nilang ayuda sa mga media organization na apektado rin ng ECQ, ay kaunting tulong umano mula kay Secretary Andanar na alam ang kalagayan at buhay ng mga mamamahayag. Ayon pa kay USec. Egco, ang mga Media lang umano ang masasabing frontliners na walang natatanggap na ayuda o kahit hazard pay o ano pa mang extrang bayad, depende umano sa kumpanya na pinapasukan nito, subalit karamihan umano ay talagang wala.
Una ng nakatanggap ng ayuda mula kay Secretary Andanar at USec. Egco ang Media Organization ng NCRPO Press Club, CAMANAVA Press Corps, DILG Press Corps, Quezon City Press Club, MPD Press Corps at iba pang Press Organizations na nakabase sa Metro Manila. Nabigyan na rin umano ang ilang Media Group mula sa Laguna province at plano pa rin nilang pumunta sa susunod na linggo sa iba pang Press groups sa Northern Luzon, ayon pa sa dalawang opisyal. Dagdag pa ni Egco na tuloy-tuloy lang ang kanilang pamimigay ng ayuda habang nananatili ang corona virus sa bansa.