Itinaggi ni Taytay Mayor Joric Gacula, ang paratang at akusasyon, na ibinibenta ang coronavirus disease Swab Test Kits, ng isang opisyal ng Municipal Health office (MHO) ng Taytay, na idinonate ng SM Foundation sa nasabing bayan. Ayon kay Mayor Gacula, inakusahan si Taytay Municipal Health Officer Dr. Jeffrey Roxas, gamit ang dummy account sa Facebook, na nagbebenta di umano si Dr. Roxas ng Swab Test Kits sa halagang Php 3,500 bawat isa. Ipinapakalat umano ito ng Partisan Politics gamit ang isang Facebook account. Ito ang paliwanag ng alkalde sa kanyang Social Media Post.
Ipinakita rin ni Mayor Gacula sa kanyang Facebook page ang isang Official Receipt na nagpapatunay na ang mga Swab Tests ay ipinadala sa Private Laboratory at sinuri sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction machine, na senertipikahan ng Medical Technologists at doctors ng Detoxicare Molecular Laboratory sa Metro Manila.
Dagdag pa ng alkalde, na ipinakita rin umano ni Barangay Chairman Allan Martin de Leon ng Barangay Dolores, ang usapan sa telepono na hinihikayat ang pasyente na magalit sa Town’s Health Frontliners, na inakusahang tumanggap ng pera para sa Swab Test Kits. Giit pa ng Alkalde, na matibay ang pruweba na ang kanyang mga kalaban sa politika ay gumagawa ng paraaan para sirain ang kanyang kredibilidad, maging ang magandang pangalan ng mga Doctors, Nurses, at Medical Personnel ng Taytay Health Office. “Nais po natin ipaalam, na may motibong politika ang pinakakalat ng isang FB account. na sinasabing ipinagbibili ng Municipal Health Office ang mga Covid19 Swab Test Kits na donation ng SM Foundation,” saad pa ni Gacula sa kanyang social media post.
Paliwanag pa ng alkalde, pilit na iniuugnay ang kanyang pangalan sa mga di umano’y iskandalo, pero, hindi umano nababahiran ng dungis ang kanyang pangalan bagkus, nakatuon pa rin siya upang matuldukan ang problema sa kalusugan. Kung kaya nanawagan ang alkalde sa mga naninira sa kanya at sa mga frontliner, na tigilan na nila ito, bagkus tumulong na lamang sa kanilang kapwa ngayong panahon na may pandemya sa bansa.