Kamakailan, naglunsad ng kauna-unahang Duck Roadmap Virtual workshop ang Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) upang talakayin ang pagbuo ng Philippine Duck Industry Roadmap.
Ang nasabing pagtitipon na idinaos noong Hulyo 27, 2020 ay pinangunahan ni Dr. Rene C. Santiago, Agricultural Center Chief ng BAI-National Swine and Poultry Research and Development Center. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, pribadong asosasyon at state universities.
Layunin ng Philippine Duck Industry Roadmap na palakasin at palaganapin ang industriya ng pag-iitik sa bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang moderno at epektibong stratehiya tulad ng pagpaparami ng multiplier farms, genetic research, pagpapalawak ng merkado at paggawa ng mga bagong produkto na maaring makipagsabayan sa produkto ng ibang bansa.
Maliban sa Duck Industry Roadmap, isinasaayos na rin ang pagbuo ng roadmaps ng iba pang industriya ng paghahayupan katulad ng broiler, layer, small ruminant, pagbababuyan at beef cattle.