Pamimigay ng bisekleta ang pangunahing pinagtutuonan ng pansin ni Konsehal Jana Ejercito sa lungsod ng San Juan, habang patuloy na umiiral ang pandemya sa bansa.
Sa isinagawang panayam ng ilang opisyal ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps kay konsehal Ejercito, sinabi nito na tinututukan niya sa ngayon ang pamimigay ng bisekleta sa mga mahihirap na Sanjuaneño, partikular sa distrito 2 ng nasabing siyudad na kanyang nasasakupan bilang konsehal.
Pinipili umano nilang bigyan ang mga malalayo ang pinapasukang trabaho, na hirap makasakay dahil sa kakulangan ng transportasyon. Inuuna umano nilang bigyan ang mga kwalipikadong mahihirap na padre de pamilya, na siyang bread winner ng tahanan, partikular doon sa mga ama na maraming anak at may pinapakain pang magulang , indigent, at mga anak na siyang kumakayod para sa buong pamilya nito.
Ayon kay Konsehal Ejercito, mahigpit umano ang pagpili nila para maging kwalipikado ka na mabigyan ng bisekleta, dahil sinisiguro umano nila na talagang karapat-dapat lamang ang makakataggap nito. Una na rito, na kailangan meron certificate of indigency at bread winner ka ng pamilya. Hindi lamang umano mga taga distrito 2 ang nabibiyayaan ng bisekleta, maging ang ilang nasa distrito 1 ay nakatanggap na rin na lehitimong taga San Juan din.
Kasabay sa kaarawan ni Mama Mary nitong nakaraang Sept. 8, 2020, labing limang (15) bisekleta ang naipamigay ng kampo ni Konsehal Ejercito sa unang batch, sinundan ito ng sumunod na martes na sampung unit, at sa tuwing martes 10 unit pa rin ang kanilang ipamimigay. Dati 50 mountain bike lang umano ang plano niyang ipamigay, dahil sa maraming nag dodonate umabot na ito sa 110 unit na lahat halos ay donasyon ng mga kaibigan at kakilala na ipamimigay hanggang sa buwan ng kapaskuhan.
Sakali umano na may tutulong pa sa kanya para mag sponsor, madadagdagan pa ang maaring makataggap ng bisekleta bago matapos ang taon, target pa ng konsehal na makalikom ng 150–200 units para marami pa ang matulungan na mahihirap sa San Juan, kasama na ang bike helmet sa mga susunod na pamimigay, kapag nagkaroon na ng sapat na budget para sa nasabing proyekto.
Sinabi pa ng konsehala, na mahirap ang walang natatanggap na suporta mula sa LGU dahil, manggagaling talaga sa sarili mong bulsa ang gagamitin mong pera kasama na ang suweldo mo kung anuman ang mga proyekto na nais mong isakatuparan, mabuti na lang umano at may mga kaibigan na nakahanda namang tumulong, sumuporta, at mag sponsors para sa kanyang mga proyekto.
Ayon pa sa konsehala, na apat silang konsehal ang walang natatanggap na budget o zero buget mula sa LGU dahil sila ay nasa menorya, pero Kung tutuusin umano, dapat meron silang matatanggap na budget para sa kani kanilang mga proyeko dahil, lihitimo umano silang halal ng taong bayan, ayon pa kay Kon. Ejercito.
Dati na umano namimigay ng mga relief goods ang kanyang grupo sa simula pa lamang ng Pandemya buwan ng Marso, sa tulong ng San Juan Government Foundation at ilan pang mga donors sa distrito 2 na may 11 barangay, na kung saan halos paulit ulit na umano nilang nabigyan, at pati na ang distrito 1 na sa ngayon ay malapit na rin nilang matapos ang pamimigay dito.
Dagdag pa ng konsehala, na magsisimula na ang klase, dasal nito na sana magkaroon pa ng mga donasyon, para mabigyan pa ng kanyang grupo ng tablet ang mahihirap na mag aaral na walang kakayahan na bumili ng tablet para magamit sa kanilang pagaaral.