“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”
Ni: JD AGAPITO
Philippine Charity Sweepstake Office ang ahensya
PCSO ay alam na alam na ng mga tao talaga
Ahensya ng gobyernong nasa ilalim ng opisina
Office of the President kung ating inglisin pa
May mandatong siyang kumalap ng mga pondo
Para sa mga programang pangkalusugan ng tao
Mga ayuda at tulong para sa panlipunang serbisyo
Mga pagkakawanggawa kaya may Charity sa titulo
May 55 porsyentong sa mga papremyo ginagamit
Mga lottery at larong pinagkakakitaang higit
Tatlumpung porsyento ay sa opisina ng pangulo nasusulit
May 15 porsyentong tawag ay operating expenses
Kung may matitira sa mga pera ay pangcharity
Dahil yan ang inaasahan sa ahensyang mabuti
Tulong sa mga tao ay sadyang malaki
Kaya kailangan din ng suportang maigi
Nitong nakaraang taon ay nakalikom
Halagang 18.63 B mula sa palaro doon
Kahit pa nasuspinde ng halos tatlong buwan noon
Malaki pa rin ang perang magagamit sa nasyon
Ang kabuuang perang nalikom ay nagmula
Sa Lotto na 6.8 B, Small time lottery 5.8 ay ilista
Keno ay 5.1 B at Digit games 407 M at instant sweepstakes 522 M ay isama
May dagdag ding mga laro para mas lalong kumita
Marahil ay nakatulong ang ginawa ng pinuno
General Royina Garma ang nag-isip ng dagdag na laro
On line, mobile or text betting na idinagdag dito
Nakatulong ito ng malaki para sa maayos na pondo
NI: JD AGAPITO